^

Pang Movies

Partner ni Nadia, nag-iwan ng 24 na anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi ikinakaila ng actress-host and entrepreneur na si Nadia Montenegro na hindi madali ang maging single parent sa walo niyang anak (7 biological children and 1 grandchild of the late Boy Asistio sa US-based singer na si Djohanna `Gigi’ Garcia).  

Pero kinu-consider niyang blessing ang kanyang mga anak na napalaki niya na mababait, responsible, may takot sa Diyos at marespeto sa kapwa.

Magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang longtime partner, ang dating mayor ng Caloocan na si Macario `Boy’ Asistio ay mag-isa nang inako ni Nadia ang responsibilidad ng isang magulang.

Napakasipag ni Nadia sa lahat ng bagay, sa kanyang online cooking show, sa pagluluto para sa kanilang food delivery service, ang paglilingkod sa Diyos at maging ang pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan tulad na lamang ng actor na si John Regala na isa sa kanyang tinutulungan ngayon kasama ang iba pang well-meaning friends.

Napagtapos na rin ni Nadia ang lima sa kanyang mga anak at maging ang mga ito ay nagtutulungan at may kani-kanya na ring online business na kanilang natutunan sa kasagsagsagan ng lockdown.

“Kung may advantage man ang lockdown o quarantine sa pamilya ko, we became closer sa isa’t iba. Nariyan ang tulungan at suportahan at walang pasaway sa kanilang magkakapatid. The older ones are very supportive sa mga nakakabata nilang kapatid laluna sa bunsong si Sofia who is only 13 years old,” pahayag ni Nadia.

Pero kapag sumasagi sa usapan ang namayapang padre de familia na si Boy Asistio ay hindi maiwasang maging emotional ng pamilya.

Samantala, 24 lahat ang anak ni Boy sa iba’t ibang babae at pito rito kay Nadia, dalawa kay Djohanna Garcia at isa sa dating actress na si Veronica Jones.  Pero ang nakakatuwa, magkaka-close lahat ang magkakapatid.

Si Nadia ang pinakamatagal na naging partner ni Boy. Siya rin ang nag-alaga noong maysakit ito hanggang sa kanyang paglisan.

TV5 handa na

Isang virtual press conference ang naganap noong nakaraang Huwebes (Aug. 6) ng hapon sa pagitan ng TV5 at Cignal TV bosses at ilang members of the entertainment media sa pamamagitan ng Zoom. 

Naroon ang President-CEO ng TV5 at Cignal TV na si G. Robert Galang at iba pang executives tulad nina Perci Intalan, Triccie Tolentino, Isabel Santillian at Sienna Olaso. 

Masayang ibinalita ng mga top executives ng TV5 and Cignal TV ang ang paglu-launch ng mga bagong entertainment programs na mapapanood sa Kapatid Network simula sa darating na August 15, araw ng Sabado, the contents of which ay ipu-provide ng Cignal TV sa pamamagitan ng mga line-produced shows ng independent producers.  Ito’y bukod pa sa  in-house programs na sariling production mismo ng TV network.

Mapapanood ang bagong morning show ng TV5, ang Chika BESH! (Basta Everyday Super Happy) kung saan tampok ang pinaghalong talents ng ABS-CBN at GMA na sina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna. 

Magbabalik din sa Singko ang TV host na si Ryan Agoncillo na siyang original host ng reality show na Talentadong Pinoy sa pamamagitan ng Bangon Talentadong Pinoy with a new set of talent scouts and judges na binubuo nina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa sa pilot episode.

Magkakaroon din ng fitness program ang Ka­pamil­ya actress na si Jessy Mendiola sa pama­magitan ng Fit for Life.   

Nariyan din ang dalawang game shows, ang Bawal na Game Show to be hosted nina Wally Ba­yola at Paolo Ballesteros maging ang Fill In the Bank nina Jose Manalo at Pokwang. 

Hindi rin nagpapahuli si Luchi Cruz-Valdes sa kanyang Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes.

Ayon sa nagbabalik sa TV5 bilang head ng entertainment programming, ang writer-director-producer ng The IdeaFirst Company na si Perci Intalan, marami pa umanong ibang bagong programa ang nakatakda nilang i-launch sa mga susunod na linggo at buwan.

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with