Mariel, nai-stress na sa pagdami ng COVID

Aminado si Mariel Padilla na nagkakaroon siya ng birthday blues sa nalalapit niyang kaarawan sa Aug. 10.

“Meron akong birthday blues na nararamdaman ngayon. Actually, hindi lang siya birthday, lahat, marami na akong nararamdaman,” ani Mariel sa live session nila ni Robin Padilla ng Cooking Ina Mo show sa Facebook.

Ayon pa sa TV host, ikinalulungkot din daw niya na tumaaas na naman ang number ng COVID-19 cases.

“Kaya medyo naaano na ako, nai-istress na ako ro’n. Gusto ko nang matapos ang COVID at mabuhay na tayong lahat ulit. Kaya kailangan nating magtulungan, guys!” sey pa niya.

Tanong naman ni Binoe, “ba’t ka naman nagkaroon ng blues?”

Sagot naman ulit ni Mariel, “siyempre, nalulungkot ako na 10th year anniversary natin, tapos si Isabella (their eldest daughter), nun’g ganitong age, may mga napuntahan na siya na ibang lugar. Si Gabriela (their youngest daughter), kawawa naman, para na lang siyang si Rapunzel dito.”

Pasilip-silip na lang daw kasi sa bintana ang bunso nilang anak na tulad sa kwento ng Rapunzel fairy tale.

“Pasilip-silip na lang siya sa bintana, wala nang makita, naaawa na ako sa anak ko,” sey pa ni Mariel.

Pero ani Mariel, at the same time ay nagpapasalamat naman daw siya that they are still so blessed.

“I know that we are so blessed and I’m really grateful, di ba? I mean, a lot of people have it worst, pero syempre, nalulungkot ako na alam mo ‘yun, ganito ‘yung sitwasyon.

“Pero praise God pa rin kasi we are all safe, alam mo ‘yun, everyone is healthy,” she said.

Tinanong ni Binoe kung ano ang birthday wish ni Mariel, at sagot ng TV host, sana raw ay matapos na ang COVID.

Bukod sa birthday ni Mariel sa Aug. 10 ay magdiriwang din sila ni Binoe ng 10th wedding anniversary sa Aug. 19.

Dennis at Jennylyn nagbigay ng ayuda sa matandang na-stroke

Isang senior citizen na na-stroke mula sa Santo Tomas, Davao ang tinulungan ng Kapuso couple na sina Drama King Dennis Trillo at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Base sa Facebook post ng anak ng maysakit na si Jean Pearl Tangaro, nagpadala ng pera ang Kapuso stars sa kapatid niyang si Bernsky Bergante Tangaro para pambili ng gamot, prutas at iba pang pagkain ng kanilang ama.

Pagbabahagi niya, “Thank you, Ma’am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending your help through our ate Bernsky Bergante Tangaro. It’s such a big help, you’re an angel sent from above.. Dahil sa inyo, nakabili po si Papang ng gamot, prutas at mga pagkain. Hindi po mapapantayan ang mga ngiti na nasilayan namin sa kanyang mga labi.. I know po na always kayong i-be-bless ni Lord dahil you’re such an amazing person, beautiful and handsome inside and out. Sana po marami pa kayong matulungan. Stay safe po kayo palagi. Godbless and we love you both.”

Kwento pa ni Pearl, thankful sila sa Panginoon dahil may mga mabubu­ting tao pa rin na handang tumulong sa panahon ng pandemya. Maging ang kanilang ina ay nagpaabot ng pasasalamat kina Jennylyn at Dennis sa tulong na ibinigay nila para sa pagpapagaling ng kanyang asawa.

Samantala, napapanood si Dennis sa rerun ng My Husband’s Lover tuwing Linggo ng gabi sa SNBO.

Show comments