^

Pang Movies

Show ni Kris sa TV5 naudlot na naman, producer nakaaway!?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Show ni Kris sa TV5 naudlot na naman, producer nakaaway!?
Kris

Irreconcilable differences. Ito diumano ang nangyari kina Kris Aquino at sa producer ng kanyang comeback show sa TV5 kaya hindi matutuloy ang airing nito sa August 15.

Ayon sa isang source, parang mag-asawa raw na nag-away at hindi nagkasundo ang TV host at ang nasabing producer.

Pero ayaw banggitin ng ka-chika ko kahapon kung sinong producer ‘yun pero matindi raw ang naging gap ng producer at TV host kaya malabong matuloy ang eere sana nitong show sa TV5 sa August 15 na magiging full blast na sana this month.

At ang dilemma, hindi raw puwedeng makipag-usap si Kris sa network executives dahil ang naka-sign sa contract ng kanyang show sana ay ang producer.

May issue na lumutang na nag-offer siya (Kris) kay former Cong. Albee Benitez na papasok na blocktimer ng TV5 pero ayon sa source, walang formal offer from Kris. And besides, hindi pa raw ‘yun puwedeng mangyari dahil may contract ito sa naunang producer.

Saka wala pa palang contract signing between TV5 and Albee ayon sa source kaya NR as in no reaction pa ang dating pulitiko sa kasalukuyan.

Ang tanong ng bayan?

Makabalik pa kaya si Kris sa TV?

Second time na itong nauudlot na umere.

Or baka naman dahil ghost month lang kaya may ganyang issue kay Kris?

Wishing you all the best, Kris.

Carla nag-no sa offer na kasal ni Tom

Game na game na sumabak sa GusTOMoba Challenge ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang mag-guest sa Unang Hirit noong Martes, August 4. 

Iba’t ibang mga tanong mula sa host na si Lyn Ching ang sinagot ni Tom, pero ang pinaka-espesyal ay nang matanong siya kung handa siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Sagot ng aktor, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”

Pero naiintindihan naman daw ni Tom na gusto ni Carla na maging special ang wedding day nila, “Ako, my only dream is to be the one next to her. That’s my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her.” 

Samantala, napapanood pa rin sila Tom at Carla sa rerun ng My Husband’s Lover tuwing Linggo ng gabi sa SNBO.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with