Gretchen, may oras pumatol
Gretchen
Gretchen, may oras pumatol
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 23, 2020 - 12:00am

Tawa ako nang tawa, Salve, sa kuwento mo na na-Instagram story ako ni Gretchen Barretto.

‘Kaloka talaga na ang daming pumapatol sa mga kagagahan ko kung minsan.

Actually nga siguro kung hindi dahil sa IG baka na-bored na ako sa quarantine, pero dahil nga ginawa kong outlet ang IG at parang mayroon na akong kausap pag puno ng kung anu-ano ang isip ko kaya nababawasan ang boredom ko.

At happy ako pag nagbabasa ng comments ha, maganda o bashing, para ngang naging therapy ko dahil parang nakikita mo ang iba’t ibang human nature ng tao.

At nagtataka ako hanggang ngayon sa mga violent reaction sa mga posting ko kung minsan.

At iyon nga, tawang-tawa ako na pinatulan ni Gretchen Barretto ito, hindi siya busy? Bored din siya? Hah hah.

Kaya nga enjoy ako dahil imagine, mayroon na tayo, Salve, 120K follo-wers plus yung libo-libo pang nagbabasa ng columns ko sa Pilipino Star NGAYON at dito sa Pang Masa, kahit hindi umabot sa 3-M o 5-M followers, jumping na ako na may 120-K akong new found friends o kahit bashers kasi imagine they have time for me sharing my kagagahan, hah hah.

At in fairness ha, kapatol-patol pa at the age of 73 hah hah hah. 

Rossel nagpa-birthday ng cake!

Ang bait naman ni Rossel Taberna. Birthday niya kahapon, pero dahil nga sa sitwasyon, siyempre intimate family lang ang naging celebration nila.

Pero ang ginawa niya, siya ang nagpadala ng small cakes para sa friends niya para maki-celebrate sa birthday niya.

Cute ng idea niya, na at least ‘yung cake na sana doon sa party niya kakainin pinadala na niya para sa mga bahay na ng friends niya.

Mabait ang mag-asawang Tunying at Rossel Taberna kaya naman halos lahat, kaibigan nila. Magaling silang makisama kaya naman lahat nagwi-wish ng happiness nila.

At kitang-kita mo rin ang hard work ng dalawa kaya matagumpay ang mga pinapasok nilang negosyo.

Wishing Rossel the happiness of a lifetime, and forever sa love team nila ni Ka Tunying.

Happy birthday, Rossel. (Happy birthday Ms. Rossel. Stay gorgeous. - Salve)

Achara ni Mother Mila, sinasabay sa pagbebenta ng pabango

Katuwa naman ang 80 years old na si mother Mila ni Joel Cruz ng Aficionado Perfumes ha. Imagine na sa edad niya, nahaharap pa niya ang paggawa ng achara at tuwang-tuwa siya na nagugustuhan ng mga nakakatikim.

Siguro nga kahit 80 years old na si Nanay Mila, mas gusto niya na mayroong ginagawa at dahil specialty niya ang achara, ito ang napili niya.

Tuwang-tuwa nga si Roy Redondo na hindi na lang perfumes ang imina-market niya, pati achara isinali na niya at kung gusto raw maging reseller puwedeng kontakin siya para mag-usap.

Hah hah, talagang enterprising ang pamilya Cruz ha, lahat puwedeng gawing negosyo.

Thank you Roy Redondo pinatikim mo kami nina Cristy Fermin, Salve, Mr. Fu at Gorgy Rula.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with