Arjo
Sen. Bato pinatulan ni Arjo
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

Ang short reaction ni Arjo Atayde na “Dada ng dada.. mauna ka” sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa na maghanap na lang ng ibang trabaho ang mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Sabi kasi ni Sen. Bato, “hanap ng ibang trabaho para mabuhay, magsumikap, may ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs.”

Kaya ang sagot ni Arjo kay Sen. Bato ay dada nang dada raw ang senador at kung babasahin ang comments ng netizens, pabor sila kay Arjo at galit sa senador. Hindi raw madaling maghanap ng trabaho ngayong may COVID-19 pandemic pa at kung saan, maraming negosyo ang nagsara at marami ang mga na-lay off na trabahador.

Sa galit nga ng ibang ABS-CBN fans, pinagre-resign nila si Sen. Bato at subukan niyang maghanap ng bagong trabaho gaya nang suhestiyon niya sa mga nawalan ng trabaho. May tumawag pang insensitive sa senador dahil sa suhestiyon.

Si Arjo naman, patuloy ang panawagan na ibalik ang ABS-CBN at siya ay Forever Kapamilya. Ang natatandaan namin, pumirma ng kontrata sa Kapamil­ya Network si Arjo, pero binigyan na sila ng go signal na tumanggap ng project sa ibang network.

Looking forward ang supporters nina Arjo at Maine Mendoza na magkaroon sila ng project together sa TV5 na kung saan, isa sa magba-blocktimer si Mr. Antonio Tuviera na producer ng Tape Inc.,  ng Eat...Bulaga.  May kontrata si Maine sa Triple A at walang kontrata sa GMA-7 kaya pwede siyang gumawa ng project sa TV5 na produced ng Tape Inc.

Enzo tinalo ng ama!

Pinasalamatan si Enzo Pineda ng Kapamilya fans sa suporta niya sa ABS-CBN at sa latest photo nito na nasa harap siya ng network, inulit nito ang pagpapahayag ng suporta sa network.

 “I stand by ABS-CBN. Pagkakaisa...’yan po ang kailangan natin ngayon panahon. Buksan po natin ang ating mga mata. Hindi po ito ang kalaban... ang kalaban ay hunger, poverty, at itong virus na sumisira sa buhay ng milyon-milyon nating kababayan. Hindi po tayo mananalo sa laban na ito kung hindi tayo magkakaisa. #ibalikangabscbn.”

 May isyu lang ang ilang Kapamilya fans kay Enzo at may kinalaman ang ama niyang si Party List Representative Enrico Pineda ng 1-Pacman na isa sa 70 representatives na bumoto ng Yes sa pagdi-deny ng renewal sa franchise ng ABS-CBN.

Sa pinost ni Enzo na photo nila ng ama noong Father’s Day nag-comment ang Kapamilya fans. May nagpahayag ng disappointment sa kanilang nalaman at tinawag na walang puso ang ama ng Kapamilya actor.

May nag-isip naman na sa ginawa ng ama ni Enzo, malinaw daw na hindi nito suportado ang showbiz career ng anak. Hindi rin daw inisip ng ama ni Enzo kung saan siya nagtatrabaho.

Jennylyn mas palaban pa

Hindi lahat ng Kapamilya fans natuwa sa Facebook post ni Jennylyn Mercado ng kanyang suporta sa ABS-CBN. Kaya lang daw nagpahayag ng suporta si Jennlyn dahil gumagawa siya ng pelikula sa Star Magic na movie arm ng ABS-CBN. May nag-akusa pa sa kanyang nakisawsaw sa isyu para siya’y mapag-usapan dahil walang isyu sa kanya at hindi siya napag-uusapan. Mag-concentrate na lang daw si Jennylyn sa GMA 7 at ‘wag nang sumali sa isyu ng ABS-CBN.

Pero, mas maraming Kapamilya fans ang nagpasalamat kay Jennylyn, ibinalita sa TV Patrol ang FB post niya. Mabuti pa raw si Jennylyn gan’un mag-isip at nagpakita ng suporta sa network at sa mga empleyadong nawalan ng trabaho. Unlike sa ibang Kapamilya stars na hanggang sa huli, hindi man lang kinakitaan nang suporta sa kanilang home network.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with