Kim may pa-ayuda at love letter sa mga kasama
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, sa tuwing nakakakuwentuhan ko si Ruffa Gutierrez ay madalas niyang banggitin ang sobrang ka-sweet-an sa kanya ng Love Thy Woman co-star niyang si Kim Chiu.

Actually, madalas na nagbibigayan sila ng pagkain sa taping nila (pati sina Eula Valdes, Yam Concepcion at iba pa nilang co-stars).

Pero sobrang na-touch si Ruffa last weekend dahil may pa-“love letter” sa kanya si Kim.

Napakaganda raw ng mga sinabi ni Kim sa sulat na natanggap ni Ruffa mula sa tsinitang aktres.

Hindi nga naman madalas na makatanggap ng ganoon si Ruffa sa mga nakakatrabaho niya, kaya nakatabi raw sa kanya ang sulat ni Kim. “Napaka-sweet ni Kim!” sey ni Ruffa.

Binigyan din daw siya ni Kim ng basque cheesecake (ang  cheesecake na ito ay “alter ego” ng classic New York–style cheesecake with a press-in cookie crust at inspired by a Basque version).

 “Nakaka-surprise ang mga pa-‘ayuda’ ni Kim!” pabirong sabi pa ni Ruffa tungkol sa girlfriend ni Xian Lim.

Naku, hindi pa ako nakakatikim ng ganoong klaseng cheesecake, tutal naman, Ateng Salve, friend mo naman ang Ate Kam ni Kim, sabihin mo naman sa kanya na bigyan din niya tayo ni Manay Lolit Solis ng ganung cake, huh! (Ay nakatikim na ako nun teh. Saka pampapataba ‘yun. Charrrr. Hahaha. – SVA)

Dating sikat na basketbolista abala sa pagtitinda ng bangus at longganisa

Tutal si Ruffa na rin ang first item ko, natatandaan n’yo pa ba ang basketbolistang si Jayvee Gayoso na naging leading man ni Ruffa Gutierrez sa pelikulang Binibini Ng Aking Panaginip noong 1994?

May online business na rin pala si Jayvee.

Bale nagbebenta siya ng Lucban longganisa at Pangasinan bangus.

Si Jayvee raw mismo ang kumukuha ng mga paninda niya sa Lucban, Quezon at Pangasinan at siya rin mismo ang nagde-deliver sa mga umo-order.

Aba, ang bongga, kaya kung fan ka ni Jayvee, makikita mo pa siya ng personal kapag um-order ka ng mga paninda niya, huh!

So kung type n’yong bumili ng paninda ni Jayvee, puwede ninyo siyang i-text sa 0915-8108578, pero dapat serious buyer kayo at hindi makikipag-textmate lang, ‘noh?!

So, Ateng Salve, mag-text ka na kay Jayvee at pakyawin mo na ang mga paninda niya, huh!

 ‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with