^

Pang Movies

Richard Yap, nasa GMA na?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard Yap, nasa GMA na?!
Richard Yap

Ang guesting kahapon ng Kapamilya actor na si Richard Yap sa Bawal Judgmental segment ng Eat… Bulaga ng TAPE, Inc. blocktime show sa GMA 7.

Bale si Richard na mas kilala bilang Ser Chief dahil sa tagumpay ng morning series nila noon ni Jodi Sta. Maria na Be Careful with My Heart ng ABS-CBN ang pang-apat na Kapamilya star na nag-guest sa Eat… Bulaga after na mag-resume ang nasabing noontime show nang maging GCQ (general community quarantine) na ang Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.

Bago si Richard, um-appear din sa Bawal Judgmental segment sina Pokwang, Louise delos Reyes at Kim Molina.

Noong Friday lang officially ay hindi na na-renew ang broadcast franchise ng ABS-CBN para sa frequency ng Channel 2, kaya may mga nag-akalang ang guesting sa Bawal Judgmental segment ng Eat... Bulaga ang first move ni Richard dahil wala na nga ang Dos.

Mali ang akalang ‘yon ng iba dahil noon pang Wednesday nag-taping ang Kapamilya actor para sa Bawal Judgmental segment. Madalas na Monday, Tuesday, Wednesday lang nagla-live sa isang linggo ang Eat… Bulaga. After naman ng kada live nila ay nagte-taping sila ng para sa Thursday, Friday at Saturday episodes nila.

Jobelle ‘di nagbago ang ugali

Alam mo, Ateng Salve, na-touch ako sa isa sa original Bagets leading lady na si Jobelle Salvador.

Based sa Las Vegas, Nevada si Jobelle at nasa Los Angeles, California siya last week. Invited siya sa dinner sa house ni Philippine Consulate General Adelio Cruz at dahil sa kanya, naimbitahan din ako doon.

Ang maganda, inihatid pa ako ni Jobelle sa tinitirhan ko kahit madaling araw na. Hindi nagbago ang ugali ni Jobelle. Napakaganda pa rin ng kanyang PR. Magaling pa rin siyang makisama.

Sabi pa ni Jobelle, nami-miss daw niya ‘yung sobrang close silang mga artista sa entertainment press noong sobrang active pa siya sa showbiz.

Nababalitaan din pala ni Jobelle na maraming mga baguhang artista sa atin ang hindi na close sa entertainment press.

Natatandaan pa nga ni Jobelle na sa tuwing may party siya noong 80’s, invited pa ang entertainment press.

Anak nga pala si Jobelle ng pamosong actor/director na si Leroy Salvador (SLN) at isa siya sa napakaraming mga Salvador sa showbiz!

Kasama nga pala ni Jobelle ang teenage daughter niya na very pretty rin at puwedeng mag-artista. Japanese ang tatay ng anak ni Jobelle.

Nilinaw nga pala ni Jobelle na hindi pa niya tuluyang tinatalikuran ang pag-aartista. ‘Yun na!

vuukle comment

GMA

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with