^

Pang Movies

Magpakailanman babalik na sa taping

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Mukhang magre-resume na rin ng taping ang Magpakailanman ng GMA 7.

Isang talent ma-
nager ang nakatsikahan ko at nagsabing may isang taga-Magpakailanman ang kumontak sa kanya para mag-inquire sa availability ng isa sa kanyang mga alaga.

Hindi pa nga lang sure ang talent manager kung kailan talaga ang ta-ping dahil hindi pa raw nakakapag-finalize.

The last time naman na narinig ko, may ibang series ng Kapuso network na inaayos na rin ang pababalik-taping, pero marami raw inaayos na protocols, kaya medyo natatagalan pa raw.

Mabuti na raw kasi na sobrang safe talaga bago sila mag-resume ng taping which is tama lang naman talaga lalo na at wala pa namang vaccine sa COVID-19, huh!

Talent manager, binalaan ang fans na gustong magpa-picture sa kanyang alaga

Naaliw ako sa kuwento ng isa pang talent manager.

Sinasabihan niya ang mga alaga niya na huwag na huwag pagbibigyan ang mga fan na lalapit para magpa-picture. “Hindi na baleng masabihan sila na suplada’t suplado basta safe lang sila. Hindi na puwede ngayon ‘yung pa-picture talaga.

“Kahit sabihing isnabero’t isnabera sila sa mga fan, ok lang, basta huwag lang silang magka-COVID-19!” sey ni talent manager at may punto naman siya sa bagay na ‘yon, ‘noh?!

Ruffa tuloy ang pag-ayuda sa mga magulang

Kahit naka-lock in si Ruffa Gutierrez sa taping ng Love Thy Woman ay gumagawa siya ng paraan para makapagpadala ng food sa parents niya, kina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kamakailan, nagpa-order siya ng Thai food para sa kanyang parents. Ang Los Angeles, California-friend niya na si Ms. Pen de Leon-Manahan ang nag-asikaso ng order niyang food for Tito Eddie and Tita Annabelle.

Wow, bongga, ang sweet lang ni Ruffa sa kanyang parents!

Aktres walang planong padaig sa bashers

Naba-bash ang isang aktres dahil sa mga hanash daw niya sa gobyerno dahil sa mga post niya sa social media.

Sabi ni aktres, ayaw niyang mag-react dahil kung babasahin naman ang mga post niya, wala naman siyang sinasabing para sa mga taga-gobyerno ang kanyang mga hanash. “Wala akong masamang sinabi I never said gobyerno!” sey ni aktres.

So, hindi niya papatulan ang mga basher? “Depende kung OA (over acting) na ang mga basher!” sey ni aktres na puwede rin palang patulan ang mga bumibira sa kanya sa social media, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with