_pang-masa
^

Pang Movies

Erik puno ng pag-asa ang bagong awit

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handog ng King of OPM Theme Songs na si Erik Santos ang love song na puno ng pag-asa na Kung Maibabalik, ang official soundtrack ng K-drama na  Familiar Wife na napapanood sa umaga sa Kapamilya Channel.

Hatid ng kanta ang pagnanais bumalik sa nakaraan na sadyang bagay sa kwento ng romance fantasy drama tampok ang mag-asawang Paolo (Ji Sung) at Aileen (Han Ji-min) na biglang nagkaroon ng kanya-kanyang buhay pagkatapos ng isang hindi inaasahang insidente.

Bahagi ang kanta ng Erik Santos 15 album ng Kapamilya singer na inilabas sa ilalim ng Star Music, kasama ang iba pang 14 awitin at iba’t ibang musical collaboration ni Erik tampok ang ilan sa kinikilalang OPM artists.

Ang mag-asawang sina Moira dela Torre at Jason Hernandez ang sumulat ng Kung Maibabalik at iprinodyus naman ito ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo.

Pakinggan ang Kung Maibabalik sa Star Music YouTube channel at abangan ang kanta sa Familiar Wife na ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30 a.m. sa Kapamilya Channel. 

Therese nagtapos na salutatorian

 Marami ang humanga sa Kapuso actress na si Therese Malvar nang magtapos siya bilang salutatorian sa high school. Natanggap din niya ang special award na Best in Entrepreneurship. Nagbunga talaga ang pagsisikap ni Therese na pinagsabay ang regular school at tapings. 

Kahit hindi nagkaroon ng actual graduation ceremony si Therese dahil sa COVID-19 crisis, ipinagdiwang pa rin ng kanyang pamilya ang latest achievement ng dalaga. 

Ayon sa social media post ng ina ni Therese na si Cherry Malvar, “Congrats baby girl. You made us proud! Since hindi na sila nakapagpa-grad picture and graduation ceremonies, I just captured this video earlier during card distribution with sariling sikap scoring.”

Pinaghahandaan naman ngayon ni Therese ang pagkuha ng film course sa kolehiyo.

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with