Sarah, Coleen at Bela alam ang sikreto ng isa’t isa

Isa si Bela Padilla sa maituturing na very close friend ni Sarah Lahbati sa showbiz. Actually, ang friendship nila goes back noong pareho pa silang nasa GMA 7.

Aminado nga si Sarah na marami silang secrets ni Bela na alam ng isa’t isa dahil ganoon sila katiwala sa isa’t isa.

Isa si Bela sa mga kaibigang unang pinadalhan ni Sarah ng baked lasagna nila ng nanay niyang si Esther Lahbati. “Kaso wala si Bela sa bahay nang duma­ting ‘yung baked lasagna na pinadala ko, kaya nag-order siya recently, pati biko,” sabi ni Sarah.

Isa nga si Bela sa sarap na sarap sa baked lasagna ng mag-ina.

Si Coleen Garcia, isa rin sa maituturing na sobrang close kay Sarah, kaya naman pinadalhan din niya ito at ang mister na si Billy Crawford ng baked lasagna. “I’m glad they loved it!” sabi ni Sarah.

Isa nga pala si Sarah sa unang pinagsabihan ni Coleen na buntis ito, pero that time, quiet lang ang misis ni Richard Gutierrez dahil hindi pa nga open ang misis ni Billy tungkol sa pagbubuntis nito.

Mga artistang may ipon, kuntento kahit walang trabaho

Isang talent manager na maraming alagang may shows sa GMA 7 ang tinanong ko kung may update na ba ang Kapuso network kung kailan magre-resume ang kanilang mga taping para sa kanilang series na natigil muna dahil sa COVID-19 pandemic.

“Wala pang pasabi. Walang kumakausap sa akin kung kailan magre-resume, so, hindi ko pa alam kung kailan magkakaroon ng taping.

“Baka inaayos pa nila ang new protocols sa taping, kaya wala pang pasabi,” sabi ng talent manager na kausap ko.

Eh, wala pa rin naman kasing vaccine for the virus, kaya hindi naman daw nagmamadali si talent manager na bumalik sa trabaho ang kanyang mga artista.

In fairness kasi sa mga artistang hawak ni talent manager, mukhang nakaipon naman ang mga ito at hindi nagwaldas sa kanilang mga kinita bago ang COVID-19 pandemic, kaya wala akong naririnig na nagkakandakumahog sa mga ito na makabalik na sa trabaho.

Kahit ‘yung mga artista ni talent manager sa ABS-CBN naman, mukhang wala ring mga problema sa pera kaya hindi mo makikitang nagpo-post na mga problematic na dahil walang trabaho.

‘Yun na!

Show comments