Pia at Jeremy
Pia umaming may kuryente agad sa kanila ni Jeremy
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

Marami ang natuwa sa bagong lovelife ngayon Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Scottish businessman and CEO of Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey.

Sey ng ilang close sa beauty queen ay mas gusto nila si Jeremy kesa sa huling boyfriend nito na si Marlon Stockinger.

Para raw kasing ang bigat dalhin ng relasyon ni Pia noon kay Marlon at ilang beses din daw silang nag-on and off sa kanilang relasyon.

Bukod sa nakaka-turn off ang balitang umaasa ito financially kay Pia dahil seasonal ang profession ni Marlon bilang race car driver, major turn-off din sa marami ang pagkawala ng communication at hindi nito pagbigay ng suporta sa kanyang kambal na anak mula sa dating karelasyon.

Sa isang post ni Marlon sa Instagram, nakasama nitong mag-quarantine ang rumored girlfriend niya na si Franki Russell na former housemate ng Pinoy Big Brother.

Mabuti raw para kay Pia ang bago nito boyfriend na si Jeremy dahil bukod sa pagiging CEO nito ng sarili niyang company, na-love at first sight siya kay Pia noong una sila magkita sa isang event sa London. Kuwento ni Pia: “He came up to me and told me about how much he loved the Philippines, where he had been to a few times for work. There was definitely an immediate spark. We couldn’t stop talking. I found him to be such a warm person and I like that he was always smiling.”

Challenge nga raw kay Pia na nakatira sila ni Jauncey sa magkaibang time zones. Pero nadadaanan naman daw nila ang lahat sa daily texting at FaceTime over breakfast at dinner.

Kung maging maayos na raw ang lahat sa mundo, magkikita ang dalawa kung saang bansa nila gusto. Pareho kasi silang mahilig mag-travel sa iba’t ibang bansa.

Hanga naman daw si Jeremy sa pagiging isang independent woman ni Pia. “I grow more inspired to do things when I’m with her. Pia is a strong, independent woman that always delivers while being kind, loving, and sweet. People know her for her Miss Universe success, but she also has great business instincts and is just as switched on behind the camera. Plus, she’s even more genuine when you meet her in person.”

JEREMY JAUNCEY PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with