^

Pang Movies

JM bisi-bisihan kahit nasa bahay lang

YSTAR - Baby E - Pang-masa
JM bisi-bisihan kahit nasa bahay lang
JM

Busy as a bee pa rin si JM de Guzman, kahit pa kasalukuyang suspended ang airing ng kanyang trending series pa mandin na Pamilya Ko, with Sylvia Sanchez, Joey Marquez at Mariz Racal, among others, due sa problemang may kinalaman sa franchise ng ABS CBN at sa covid-19.

Streaming na sa iWant ang kanyang new project na Love, Lockdown, reuniting him with Angelica Panganiban, his leading lady in the much admired Star Cinema movie, That Thing Called Tadhana, released in 2011 with Antoinette Jadaone directing.

Love Lockdown, which had all of its stars, who included too, Sue Ramirez, Tony Labrusca, Kylie Versoza, Jake Cuenca and Arjo Atayde, individually shot sa kani-kanilang bahay, kaya sila rin mismo ang nag-serve na kanilang stylist, production designers and location managers.

Guiding them were noted directors Andoy Ranay, Arnell Villafor, Noel Escoda at Manny Palo.

JM has also lately turned professional singer. His song, Huling Liham, is now a well-admired music video.

Perla nababaitan kay JM

Of JM, nababaitan daw sa kanya ang senior actress na si Perla Bautista, who plays JM’s lola sa Pamilya Ko.

“Sa totoo lang, isa siya sa dahilan kung bakit dalangin kong mag-resume na ang Pamilya Ko. Mabait siya at magaling na actor,” ani Perla.

Sa tunay na buhay, pawang teenagers pa ang mga apo ni Perla sa kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Jude.

Bagama’t good looking enough to be an actor, hindi raw naging ambisyon ni Jude ang mag-artista. Isang Martial Arts expert si Jude.

In her younger years, favorite leading lady ni former President cum former Manila Mayor, too si Perla. We are referring, of course to Joseph Estrada.

Assunta at Jules wala pang idea sa gender ng anak

May baby bump na si Assunta de Rossi, which labis niyang ipinagmamalaki at, of course, sobrang ikinatutuwa.

After all, who would ever think nga naman that, at 37, and after close to 15 years ng marriage sa kanyang former Congressman-haciendero husband Jules Ledesma, ay magbubuntis pa siya.

Equally, overwhelmed din of course, si Cong. Jules, who has two children, na parehong malalaki na, with his former late wife.

Patatalo ba naman si Alessandra de Rossi, who this early, has volunteered sa kanyang ate Assunta na maging Ninang sa kanyang pamangkin. And at the same time, yaya pa ng bata.

Wala pang ideya daw sina Assunta at Cong Jules kung ano ang gender ng kanilang panganay.

Babae at lalaki ang anak ni Cong. Jules sa unang wife.

Aktor ini-enjoy ang P50 million na napanalunan sa casino

Ask ko lang, Salve A., if true na ang total daw nang napanalunan ng isang dating kilala at award-winning actor nang tumaya ito sa casino ay more than P50-M. Yes, P50-M.

Wow, no wonder, he seems no longer interested na maging aktibo sa kanyang showbiz career, although, puwedeng-puwede pa siya.

Mas type niyang identified siya sa isang senador na ultra-close kay Presidente Duterte.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with