Piolo hinahanapan ng dyowa habang buhay probinsyano

Piolo

MANILA, Philippines — Wish ng fans ni Piolo Pascual na magka-girlfriend na rin ang actor.

Sayang daw, sana kung may girlfriend siya ngayong lockdown eh ‘di sana nakakapagpakilig din siya tulad ng kaibigan niyang si Sam Milby na finally ay inamin na ang relasyon kay Catriona Gray.

Naka-lockdown si Piolo sa kanyang farm sa Batangas at buhay-probinsyano siya sa kasalukuyan.

Meron pa nga siyang upload na picture na nagwawalis ng dry leaves habang topless sa kanyang property. Kaya naman aliw ang fans na nakita nila ang katawan ng aktor habang pawis na pawis.

As in normal na normal nga naman ang buhay ni Papa P kasama ang kanyang pamilya umpisa noong nagkaroon ng enhanced community quarantine.

Blind Italian singer na si Andrea Bocelli, hindi agad inaming nagka-COVID

Gumaling agad sa covid-19 ang blind Italian opera singer na si Andrea Bocelli.

Umamin siyang nung nakaraang March pa siya na-infect, bago pa naganap ang concert niya last Easter Sunday sa Milan Cathedral.

At inamin niya ito sa pamamagitan ng Facebook post kahapon.

“The pandemic which has shaken the world has also affected – albeit mildly – me and certain members of my family.

Out of respect for those for whom contracting the virus has had more serious consequences, I decided it would be best not to share the news. I certainly didn’t want to unnecessarily alarm my fans and also wished to protect my family’s privacy.

“We were fortunate enough to have a swift and full recovery by the end of March.

Given the chance to donate blood to help find a cure for Covid, my response was an immediate “yes”. A modest — but fundamental — gesture, through which I am playing my small part.”

Sa kasalukuyan ay merong 32,955 number of death ang Italy  at meron silang 230,555 confirmed cases.                 

Show comments