Bashing sa classroom ni Kim, kumita ng dolyares

Kim

Enjoying the fruits of her own faux pas, mistake o blunder ngayon si Kim Chiu dahil sa law of classroom.

Kesa magpaapekto pa sa bashers, lumaban at ginawan ng kanta ang
naging pahayag niya sa law of classroom ng Chinita Princess.

Inilabas sa kanyang YouTube channel, nag-hit at milyones na ang views! Eh kapag milyon ng views sa YT, may kapalit itong dolyares, huh!

So sa kanyang Instagram, pinalalalabas na ni Kim ang gumawa ng art card ng classroom. Gusto niya itong makilala.

“Ginulo niya ang utak ng mga tao in a happy way. Kaya kung sino ka man na gumawa ng art card na to sana makilala kita!

“Wag ka mag ABSENT sa Classroom. Pakilala ka na sakin,” bahagi ng caption ni Kim.

Butata ngayon ang bashers ni Kim dahil nasa kanya ang huling halakhak, huh!

Show comments