^

Pang Movies

Janine sumingit sa birthday ni General Sinas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janine sumingit sa birthday ni General Sinas

‘Kaloka si Janine Gutierrez, ginawan ng meme ang birthday party ni Police General Debold Sinas at isiningit ang mukha niya sa isa sa mga bisita ni Sinas na parang kasama siya sa birthday party ng Police General. Ginaya rin nito ang pahayag ni Sinas na edited ang ibang photos na lumabas, na last year pa ang litrato at inulit lang niya (ni Sinas) ang suot na t-shirt.

May video post pa si Janine na kunwari nag-aayos at ang caption ay “me getting ready for my “accidental” birthday party. Kung natatandaan, sinabi rin ni Sinas na hindi planado at accidental lang ang naganap na kanyang birthday party.

Nakakatuwa ang reaction ng netizens sa tweet/meme ni Janine at kanya-kanya silang pahayag ng kanilang saloobin sa paglabag ni Sinas sa mass gathering na pinaiiral ngayong under ECQ ang bansa.

Again, marami ang pumuri kay Janine dahil hindi takot magpahayag sa mga controversial issues sa bansa. Buti pa raw siya hindi natatakot ma-bash at may nag-comment na dati, hindi sila fan ni Janine, pero dahil sa ipinapakitang care sa bansa at involvement sa maiinit na isyu, supporter na sila ni Janine.

Hindi ito ang first time na nag-comment si Janine sa controversial issue and in fairness, never pa siyang nasabihang sumasawsaw sa isyu at nagpapa-controversial.

Matteo hindi naalala si Mommy Divine nung Mother’s Day?!

Lumipas na ang Mother’s Day at curious pa rin kami kung sinunod ni Matteo Guidicelli ang suggestion ng isa niyang follower sa IG o Instagram na i-greet niya ng Happy Mother’s Day ang mom-in-law niyang si Divine Geronimo.

Nag-post kasi si Matteo ng photo nila ng mom niya noong Mother’s Day at may magandang greetings. Nagpahayag siya ng sobrang pagmamahal sa ina at pinasalamatan ito for being a “wonder mom.” Sabi pa ni Matteo, her mom makes the impossible, possible. “Thank you for the unconditional love and all the sacrifices you have done for all of us. We Love you!”

Kaya, may nag-suggest  na batiin din niya ng Happy Mother’s Day si Divine para magkasundo na raw sila at si Divine pa rin ang mommy ni Sarah. May sumingit na comment na nakikipagpataasan pa ng pride si Matteo sa in-laws niya at nag-comment na sino raw ba ang gugustuhin ang tulad ni Matteo bilang mapapangasawa para sa kanilang anak?

In fairness kay Matteo, hindi na lang sinagot ang gustong mang-intriga at gustong dagdagan ang isyu sa kanila ni Divine. Ang mas maganda, hintayin na lang nating dumating ang panahong magiging maayos sina Matteo at parents ni Sarah at tiyak na si Sarah ang magiging mas masaya pagdating ng araw na ‘yun.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with