Jewel Mische maayos ang buhay sa Amerika
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 6, 2020 - 12:00am

Masaya na ang buhay sa Amerika ng Starstuck alumna at dating Kapuso actress na si Jewel Mische kapiling ang kanyang American husband na si Alister Kurzer at dalawang anak na parehong babae na sina Aislah Rose (turning two on July 12) at Emerald who turned one month last May 3.

Sina Jewel at Alister ay ikinasal sa Michigan, USA nung February 28, 2015 after being engaged nung December 2013.

Bago napangasawa ni Jewel (29) si Alister ay naka-relasyon nito ang dalawang actor na sina Richard Gutierrez at Jason Abalos.

Richard is now married to actress Sarah Lahbati at meron na rin silang dalawang supling, sina Zion (7) at Kai (2) habang si Jason ay boyfriend ngayon ng actress at dating beauty queen na si Vickie Rushton.

Fil-Am singer pasok sa American Idol

Napakarami na rin ng mga Filipino singers ang nagpabilib sa iba’t ibang bansa particularly sa Amerika na ang pinakahuli ay si Marcelito Pomoy na isa sa lumahok sa America’s Got Talent Champions 2020.  Hindi man siya ang tinanghal na grand champion, he made a mark hindi lamang sa American judges kundi maging sa American au­dience at iba pang bansa.

Sa bagong season ng American Idol, pasok sa Top 10 ang Filipino-American singer na si Francisco Martin. Thanks to the three judges na sina Katy Perry, Luke Bryan at Lionel Richie at ang text votes for him to land sa Top 10.

Pang matinee idol ang dating ni Francisco na tiyak na magkakaroon ng career after his American Idol stint.

Sa Season 3 ng American Idol ay hinangaan nang husto si Jasmin Trias na sinundan naman ng runner up na si Jessica Sanchez sa Season 11 ng nasabing singing competition.  Tulad ni Francisco, sina Jasmin at Jessica ay parehong Filipino-Americans.

Family picture nina Anne at Erwan, waley pa

Hinintay muna ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na umabot ng four months old ang kanilang firstborn na si Thylane Katana bago sila nag-post ng picture nito maging ang unang family picture nila.

Kung meron mang advantage ang pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) para sa mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng full time as hands-on parents sa kanilang unang supling na nag-four months old last May 1.

Samantala, sa Melbourne, Australia naman inabutan ng lockdown ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang kanilang unang baby na si Dhalia Amelie na sa Australia isinilang last March 2.

Tulad ng mag-asawang Solenn at Nico, ini-enjoy din ng couple na sina Anne at Erwan ang pag-aalaga sa kanilang two months old baby.

Si Erwan ay nakababatang kapatid ni Solenn at sister in-law niya si Anne.

Samantala, kung sina Solenn at Nico ay nag-share na ng kanilang first family picture with Thylane Katana, hindi pa ito nagagawa nina Anne at Erwan with their baby na si Dhalia Amelie.

JEWEL MISCHE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with