Kathryn at Daniel kinumpirma ang planong kasal sa beach

Kasal na ang napag-usapan sa panayam kina Kathryn Bernardo ang Daniel Padilla ng Magandang Buhay last Wednesday.

Kinumpirma ng dalawa na beach wedding ang gusto nila sakaling magpapakasal sila at sey pa ni Daniel sa hosts na si Melai Cantiveros, magkakasama tayong lahat du’n kaso mag-i-airplane tayo, hindi pwedeng mag-boat.”

Paliwanag ni Kathryn, ang common daw kasi talaga parating nagpapasaya sa kanila ni DJ (tawag kay Daniel) ay dagat kaya beach wedding ang naiisip nila. Syempre, invited daw lahat ng mga taong mahahalaga sa kanila at mga taong kasama nila’t tumulong sa kanilang relasyon.

Malapit na palang mag-celebrate ng kanilang 8th anniversary sina Kath and DJ bilang magkarelasyon at natatawang binalikan ni DJ ang kanilang nakaraan noong time na nanliligaw pa lang siya sa aktres.

Nakakatawang balikan ang mga eksena ko rati na nanliligaw pa ako kay Kathryn. Kung paano ako mag-anxiety attack dahil sa pagseselos sa kanya, ‘yung mga ganu’n,” natatawang sabi ni DJ. Nao-ospital pa ako nu’n dahil sa pagseselos. Di ba, parang tanga lang,” patuloy pa niyang natatawa pa rin.

Sa loob ng walong taon ay napakarami na raw nilang pinagdaanang away at ani Daniel ay napakahirap daw talaga kapag nag-aaway sila dahil torture raw talaga.

Pero lagi naming pinipiling maging maayos kasi lagi namang mas gusto naming maging ok kaming dalawa. Kasi, torture, eh, mental torture pag magkaaway kami, eh. Nakaka-bad trip ‘yung feeling. Ayoko ng ganu’n, eh. Parang hindi ka mapakali.

So, lagi naming pinipiling magkaayos at laging nandu’n ‘yung respeto rin sa partner, eh,” sey pa ni DJ.

Ganun din ang pahayag ni Kathryn. Mabigat daw sa dibdib talaga kapag magkaaway sila at ang hirap ding magtrabaho o makipag-usap sa iba. Kaya talagang inaayos nila at hangga’t maari ay huwag nang patagalin pa ang away.

Ito raw ang natutunan nila through the years na kung dati ay away sila ng away, ngayon daw ay mas kalmado na sila at mas nag-mature na mag-handle ng problema.

Sabi nga ni Melai, relationship goals daw talaga ang KathNiel at dapat pamarisan ng ibang mga kabataan na magkarelasyon.

Dahil nga malapit na silang mag-celebrate ng 8th anniversary ay nahilingan ang dalawa na magbigay ng mensahe sa isa’t isa. Thank you sa lahat ng 8 years together, mage-eight years na tayo next month and kagaya ng sinabi ko kanina, ‘yung saya ko and excitement, ganu’n pa rin, hindi nagbabago.

So, thank you kasi hindi ka nagsasawa sa akin, ‘yung patience mo. Thank you kasi parati mo pinipili na hindi ako iwan at hindi natin iwan ang isa’t isa,” ani Kathryn.

Nangako rin ang aktres na lagi siyang nandito para kay Daniel at susuportahan niya anuman ang nais nito.

Ayon naman kay Daniel, sobrang saya niya umabot silang ganito katagal.

I’m just very proud of ourselves na 8 years na kami ngayon. I’m very thankful kasi ang daming in-improve ni Kathryn sa akin, sa sarili ko. Uulitin ko, ginawa niya akong mas mabuting tao.

And I’m excited sa mga taon pang darating sa atin, Bal. Mahaba-haba pa ang adventure nating dalawa. And lagi kong pipiliin na makasama ka,” ang nakakakilig namang mensahe ni DJ.

Show comments