Mikael at Megan nag-share ng blessings sa mga katrabaho
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 25, 2020 - 12:00am

Ngayong nasa pinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) tayo sa Luzon, stop taping muna ang mga programa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus. 

Isa sa apektado ng tigil-trabaho ay ang production staff ng GMA primetime telebabad na Love of My Life, kaya naman hindi nagdalawang-isip si Kapuso actor Mikael Daez na tulungan ang mga katrabaho sa serye. Katuwang ang wifey niyang si Megan Young, nagpadala sila ng financial assistance at relief goods sa kanila. 

Sa Facebook video na ini-upload ni Ms. Michelle Borja ng production staff, mapapanood dito ang naging pasasalamat ng lahat ng staff na nabigyan ng tulong nina Mikael at Megan.

Updates sa covid-19 inaabangan

Marami mang mga prog­rama sa GMA Network na nami-miss mapanood ng regular viewers nila, hinihintay na rin naman nila ngayon ang mga special reports tungkol sa COVID-19.  Nauna ngang ipinalabas last Saturday ang pakikibaka ni documentarist  Howie Severino, mamayang hapon naman, ang handog ng GMA Public Affairs ay ang Vets On Call: ECQ ng mga Born To Be Wild hosts Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato na sumagot sa mga emergency calls upang sagipin ang buhay ng mga pets sa gitna ng ECQ, at 3:15PM. Susundan ito ng COVID-19: The Unseen na special presentation ng Reporter’s Notebook at 4:05 PM. 

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with