Babies4Sale ni Atom wagi rin sa NY Festivals

Nanalo na naman si Atom Araullo at ang kanyang The Atom Araullo Specials sa 2020 New York Festivals. Nanalo ng Silver sa Best Investigative Report ang documentary niyang Babies4Sale. Sayang at wala na yatang award ceremony at hindi na rin nakapunta si Atom at ang mga taga-GMA Public Affairs dahil sa COVID-19.

Nauna nang nanalo ang Babie4Sale sa US International Film & Video Festivals, Asian Academy Creative Awards at sa Association for International Broadcasting Award-London.

Nanalo rin ang Brigada, hindi lang nabanggit kung anong episode at kung gold, silver o bronze ba ang napanalunan. Basta nanalo.

Ang The Atom Araullo Specials at Brigada  ay dalawa lang sa eight entries ng GMA Network sa 2020 New York Festivals, dalawa ang kanilang napanalunan.

Pang-ilang award na ba ni Atom ang napanalunan sa 2020 New York Festivals mula nang bumalik siya sa GMA Network?

Show comments