^
Tom iba ang approach sa mga hinihingan ng tulong

Tom iba ang approach sa mga hinihingan ng tulong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 16, 2020 - 12:00am

Nakakatuwa at masasabing maganda ang gimmick ni Tom Rodriguez. Nanawagan siya sa mga tao na tulungan ang drivers ng mga public transport, mga tricycle driver at iba pang mga manggagawa na nawalan ng trabaho. Wala siyang pakialam kung kanino mo ibibigay ang iyong tulong, basta ang kailangan mong tulungan ay ang sektor na iyon. Bahala ka kung kanino mo ibibigay, dahil ayaw naman niyang dumaan pa sa kanya ang perang ibibigay mo.

Kailangan lamang, ipakita mo sa kanya na talagang nagbigay ka. Kung nagbigay ka ng halagang 500 piso, at nagpadala sa kanya ng picture mo, igagawa ka niya ng isang sketch mo. Kung iisipin ninyo, ang daming gumagawa ng mga ganyang sketches sa malls, at magkano ang singil ng artists na hindi rin naman kilala. Tapos ito, si Tom Rodriguez pa mismo ang guguhit ng sketch ninyo, at hindi siya babayaran, kailangan lang tumulong kayo sa mga manggagawang walang kita ngayon dahil sa ECQ.

Iyan ay isang magandang example noong taong nagbibigay ng tulong, na bukod sa tulong ay nagbigay ng bahagi ng kanyang buhay sa kanyang tinulungan. Mas makabuluhan iyan kaysa naman doon sa mga nagbigay ng milyun-milyong piso dahil iyon ay sobra na sa kanilang pangangailangan.

Hanga kami sa style ni Tom. Ang ganyan ang dapat pamarisan.

Mayor Lani naging katatawanan

Pinagtawanan din siya nang marami sa isang simpleng pagkakamali. Alam naman ninyo iyong kinukunan kayo ng video nang biglaan, minsan may nasasabi kayong hindi na napag-iisipan. Kaya ang nasabi ni Mayor Lani Mercado ng Bacoor, “COVID-14”. Kung iisipin mo, may “COVID-14” ba naman? Wala naman eh, so ang ibig sabihin noon “COVID-19”, nagkamali lang iyong tao.

Hindi siya nag-iimbento ng bagong sakit. Iyon ba naman ay gagawin pang issue.

Iyon namang mga nag-upload noon, nakita na ngang may mali eh, inupload pa. Humingi naman ng paumanhin si Mayor Lani.

Minsan din talaga wala nang magawa ‘yung iba

Bea inayunan sa pagpapaalala sa mental health issues

Tama si Bea Alonzo ha, hindi lang ang physical na kalusugan ang isipin ninyo sa panahong ito ng COVID-19. Isipin din ninyo ang inyong mental health. May mga nababalita nang nag-suicide dahil hindi makayanan ang epekto ng quarantine. Hindi naman depekto iyon, pero may mga tao talagang may tililing din, at kailangang ingatan natin sila.

Kailangang mabigyan sila ng mapagkaka-abalahan. Kailangang magkaroon ng diversion para hindi sila umabot sa pagka-buryong.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with