^

Pang Movies

Vice aminadong nakakalma kay Ion!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice aminadong nakakalma kay Ion!

Naging emosyonal si Vice Ganda as he celebrated his birthday last Tuesday, March 31. Bagama’t nagpapasalamat ang TV host/comedian sa lahat ng blessings, ikinalulungkot niya of course ang nangyayaring health crisis sa ating bansa sa kasalukuyan.

Ibinahagi niya na ang nagpapabigat ng kalooban niya ngayon at nagbibigay ng takot sa kanya ay ang kapatid niyang doktora.

“‘Yung ate ko kasi, alam mo, ‘yun ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi ‘yung ate kong doctor, she goes to the hospital every now and then. So exposed siya.

“Ang lungkot ng buhay niya kasi ospital, tapos kapag uuwi siya ng bahay hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto. Hindi niya nakakasalamuha ‘yung nanay ko, hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko - kasi ang nanay ko ay matanda na –‘yung mga kapatid ko, pamangkin ko.

“So pagkagaling sa hospital, from sasakyan, diretso ng kuwarto, tapos dinadalhan lang siya ng pagkain,” kuwento ni Vice.

Patuloy niya sa garalgal na boses, “alam mo nakakaawa ‘yung pagkain niyang inaabot lang sa pinto. Kasi nga exposed siya. And every day, hinaharap namin ‘yung fear na baka. . . ‘di ba? Kasi exposed nga siya sa danger.”

Dagdag pa niya, “kaya noong nakaraan nagte-text siya sa akin kasi natatakot siya, pero kailangan niyang gampanan ang trabaho niya bilang doktora.

“Siyempre kailangan ko maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako ‘yung panganay. Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan malakas ako.

“Tinext ko lang siya ng isang linya. Sabi ko ‘Your faith must always be stronger than your fears.’ ‘Yun lang ang inano ko. Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako para sa kanya, kasi baka lalo siyang matakot.”

Positibo naman ang Unkabogable Star na maaayos din ang lahat.

“Mase-save tayong lahat. We have a God who saves and we have a God who will provide for everything that we need.”

Nagpasalamat din si Vice Ganda sa kanyang partner na si Ion Perez na siyang nagpapasaya at nagpapakalma raw sa kanya.

“Alam mo hindi ko rin ma-imagine, kung nangyayari ito tapos wala si Ion. Siguro ang lungkot-lungkot ng buhay ko, tapos buryong ako siguro talaga. Pero pinakakalma niya talaga ako,” sabi ni Vice.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with