Multimedia artist nagka-kontrobersiyal sa gitna ng pandemic!

Grabe itong multimedia artist na si Sam Morales dahil nakipagkabugan siya sa COVID-19 bilang trending topics sa Twitter kahapon!

Ang rason ng pag-trend ni Sam eh ang paggawa niya ng catfishing stories. Nadagdagan tuloy ang vocabulary namin dahil ang alam naming Tagalog meaning ng catfish ay hito, huh

Pero ayon sa Google, may informal meaning ang catfish – lure someone into a relationship by means of a fictional online persona.

Teka, nakapanood na kami ng ganitong kuwento sa TV programs, huh!

Eh dahil sa catfishing, tinuligsa si Morales ng netizens at pati na ang media influencer na si Mimiyuuuuhh, huh

Bukod kay Mimiyuuuh, bumanat din ang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Ivan Dorschner. Ang istorya tungkol dito ay tinanggal na ng GMA Network sa Twitter account ng network.

Sa gitna ng problema sa COVID-19, may tao pang nagpapaka-kontrobersyal, huh! Ang nagagawa nga naman ng social media sa taong naka-quarantine, huh!

Show comments