Ivana Alawi tikom ang bibig kay Dan Fernandez

Litratong magkasama ang hubadera at pulitiko nagkalat

Naku dapat nang linawin ng self confessed hubadera na si Ivana Alawi ang tungkol sa kanila ng pulitikong si Dan Fernandez.

Nagkalat na ang photos na magkasama sila sa ilang lugar at maging sa abroad.

Matagal nang issue ang tungkol sa kanila ng pulitiko na ex na nga ba ng former actress ding si Sheila Ysrael (?) pero nanatiling hearsay lang ang lahat dahil wala namang magpapatunay na sila nga.

Sa yaman nga naman ni Ivana sa pagiging vlogger pa lang at sa namana sa ama base sa mga sinasabi niya, hindi niya kailangan ng suporta galing sa iba.

Pinag-usapan ang tungkol dito sa no.1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) (sa Facebook Page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON) kung saan na-bash si Manay Lolit Solis nung minsan nang i-blind item din niya ang tungkol dito.

Matagal na ring may naririnig si Manay Cristy Fermin tungkol sa isyung ito pero hangga’t wala nga silang inaamin ay hindi naman ito puwedeng kumpirmahin.

Si Mr. Fu naman ay kilala na noon pa si Ivana na nag-audition pa sa show nila noon sa TV 5 at naging contestant din pala ito sa Starstruck ng GMA 7.

Anyway, isa si Ivana sa most followed local celeb sa YouTube. As in lahat ng i-upload niya sa kanyang YT channel, milyones ang views.

Anne nanahimik pa rin sa panganganak

Wala pang official announcement habang sinusulat namin ito mula sa mag-asawang Erwan and Anne Heussaff tungkol sa panganay nila.

Wala silang upload sa kani-kanilang social media accounts.

Si Erwan nga ay ibang ang ini-upload kahapon.

Social media darling si Anne kaya hinihintay ang kanilang official words tungkol sa kanyang panganganak.

Show comments