^

Pang Movies

Nahuli... Alden at Sanya mag-dyowa na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nahuli... Alden at Sanya mag-dyowa na?!
Alden at Sanya

Binulabog nina Alden Richards and Sanya Lopez ang fans sa litrato nilang lumabas na sweet silang dalawa. Si Alden ay nakaakbay kay Sanya at si Sanya, nakayakap kay Alden at ang ulo ay nasa dibdib ni Alden.

Kuha ang photo sa rehearsal ng All-Out Sundays dahil nasa harap nila si Mavy Legaspi, pero hindi ito nakatingin kina Alden at Sanya. Parang may sariling mundo ang dalawa na kahit nakatalikod, makikitang masayang nag-uusap.

Dahil sa photo na ‘yun, inakala ng fans na nagkakaligawan o kaya may lihim na relasyon na sina Alden at Sanya. Ayun, naglabasan ang mga pabor at kontra sakaling may relasyon man ang dalawa.

May mga reaction na hindi raw bagay kay Alden si Sanya dahil sexy ang image nito, may nagsasabi pang bigger star si Alden kay Sanya, kaya dapat ka-level niya ang magiging GF.

May bashers si Alden na inaasar ang fans nito at ang sabi, sina Catriona Gray at Lisa ng Black Pink ang mga sinabing type ni Alden, tapos si Sanya lang daw pala ang pinili nitong maging GF.

May mga pabor din kay Sanya dahil maganda, mabait, hindi mahilig sa night out, pareho sila ni Alden na galing sa hirap, sexy at NBSB o No Boyfriend Since Birth ito.

Sa looks department, bagay sila at nagko-compliment ang mestiso looks ni Alden sa pagiging Moreno ni Sanya.

Singsing ni Megan galing ragnarok

Parehong busy sa kani-kanyang project ang bagong kasal na sina Mikael Daez at Megan Young. Si Mikael ay isa sa mga bida sa primetime ng GMA 7 na Love of My Life bilang si Nikolai, ang itinakwil na anak ni Coney Reyes at kapatid ni Tom Rodriguez.

Si Megan naman ay kasama sa Reality Entertainment movie na On The Job 2 sa direction ni Erik Matti. Sa pinost na photos ni John Arcilla, magkasama sila ni Megan sa shooting at sabi ni John, reunion nila ang pagsasama sa pelikula pagkatapos nilang magkasama sa teleseryeng Hiyas ng ABS-CBN. Sabi ni John, he is working with the most beautiful lady in the world.

Si Dennis Trillo ang kasama ni John na bida sa OTJ2 at may tsikang, hindi ito ang first project na kanilang gagawin dahil may iba pang proyekto silang gagawin this year.

Anyway, sa interview kina Mikael at Megan after their wedding, nabanggit ng dalawa na ‘yung engagement ring na binigay ni Mikael kay Megan was designed by his grandmother Amelita Daez na isang jeweller. Kwento ni Mikael, siniguro ng lola niya na maa-appreciate ni Megan na fiancée palang niya noon, ang singsing na ang disenyo ay itinulad sa isang “iceberg stone” sa kanilang favorite video game na ragnarok. Mas importante kay Mikael kung ano ang gusto niya personally.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with