Bangs magkaka-baby na uli
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Apat na buwang buntis ngayon si Bangs Garcia sa Filipino-British husband niyang si Lloydie Birchmore. Two years old naman ang kanilang panganay na si Amelia na excited na magkaroon ng baby brother o baby sister.

Magmula nang ikasal sina Bangs at Lloydie in Septembr 2016 ay sa London na sila namirmihan.

Although masaya na si Bangs sa kanyang family life sa London, hindi nito ikinakaila na nami-miss niya ang showbiz.

Heart sa Baguio nag- birthday

Heart Evangelista celebrated her 35th birthday last February 14 sa Baguio City kasama ang kanyang mister na si Gov. Chiz Escudero (ng Sorsogon) at malalapit na kaibigan.  Kinabukasan, February 15 ay nag-celebrate naman ang mag-asawa with their friends ng kanilang ika-5th wedding anniversary (also in Baguio).

In 2018 ay nagka-miscarriage si Heart ng twins nila ni Chiz.

Si Gov. Chiz ay may twins sa kanyang ex-wife na si Tintin Flores.

John Lloyd at Bea hinihintay ang ending

Marami ang natuwa at kinilig nang makitang magkasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa live script reading ng pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman mula sa panulat ang direksiyon ni Antoinette Jadaone at ipinalabas in February 2015. Ito’y ginanap nung araw mismo ng mga puso, Valentine’s day, Feb­ruary 15 sa Arts Fair Philippines 2020 sa Tower One in Ayala, Makati. First time itong ginawa ng perennial screen partners at unang major appea­rance ni John Lloyd matapos ito humingi ng indefinite leave of absence from showbiz in October 2017.

Bukod sa live script reading na ginawa nina John Lloyd at Bea, ang dalawa ang kinu-consider na most successful screen pair hindi lamang sa tele­bisyon kundi maging sa pelikula kahit wala silang romantic involvement sa isa’t isa.

Hit ang mga teleseryeng kanilang pinagsasamahan gayundin sa pelikula.

Hindi kaya ang ending ay sina John Lloyd at Bea ang magkatuluyan?

Samantala, napag-alaman namin na may napipinto umanong reunion movie sina John Lloyd, Bea at Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema pero ayaw pa itong kumpirmahin ng mga taong involved.

BANGS GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with