Line producer nanganganib ang friendship sa dramatic actress dahil sa kalokohan
Gorgy Rula (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ewan ko lang kung ano ang gagawin ng magaling na dramatic actress kapag mapatunayang may kaaliwas-wasang ginawa ang bading na line producer ng pelikulang prinodyus niya. Kaibigan ni dramatic actress itong si line producer at sa kanya ipinagkatiwala na i-handle ang pelikulang pinagbidahan din ni dramatic actress.

Mga bago rin ang mga producer nito at nakibakas dito si aktres. Hindi nga lang maganda ang kinalabasan ng pelikula.

Okay lang naman kung nalugi, hindi naman maiwasan ang ganung pangyayari. Pero ang malungkot kapag mapatunayang may kalokohang ginawa ang line producer sa perang ipinuhunan nila.

Ang latest kasing narinig namin, inaalam na raw ngayon ng mga producers kung saan napunta ang malaking halaga ng pera para sa pelikulang iyun.

Marami raw mga kuwestiyonableng expenses na hindi maipaliwanag ni line producer.

Nakakaawa ang mga producer nito dahil first venture nila, at ang babait pa naman nila. Itinuring pa naman siyang kaibigan ni dramatic actress na nakipag-co produce rito.

May mga kuwento na pala itong si line producer na hindi niya naha-handle nang maayos ang pera ng mga producers niya.

Nag-a-abroad daw ito na may mga kasamang lalaking nagliliwaliw.

Ginawa rin niya ito sa isang project na kinunan ang mga eksena sa ibang bansa.

Sinabi niya sa producer nito na kailangan daw niyang mag-ocular at maghanap ng talents sa naturang bansa. Kaya pumunta siya sa bansang iyun bago ang actual shooting.

Pero nang pumunta siya roon, kasama niya itong guwapong baguhang aktor na nagbida sa isang indie film.

Parang nagbakasyon lang naman sila roon, dahil nung mismong shooting nila, wala naman siyang nai-produce na mga talents sa bansang iyun at hindi rin naayos ang mga permit.

Kaya panakaw na lang silang nagsu-shoot dahil hindi ito naayos ni line producer.

Bukod kay dramatic actress, kaibigan din nitong line producer ang iba pang magagaling na aktor at aktres na hindi na niya ngayon sinasagot kapag tinatawagan at tini-text siya.

May atraso rin kaya siya sa iba pa niyang kaibigang artista?

Kalat na ngayon itong ginagawa nitong si line producer. Ewan ko kung meron pang magtitiwalang magpa-line produce sa kanya.

Dennis at Jennylyn nakipagsabayan kina Regine at Sarah

Congratulations sa magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa success ng first venture nilang concert na CoLove Live na ginanap sa New Frontier nung nakaraang Sabado, February 15.

Kahit malapit lang sila sa Araneta Coliseum na pinagdausan ng Unified concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, hindi rin sila nagpatalo dahil sold-out din ang kanilang concert.

Malaki ang pasasalamat nila dahil sa kanilang YouTube channel na sabi nga ni Jennylyn, meron na itong mahigit 400 thousand subscribers, nabuo nila itong concert na prinodyus nila sa tulong ng mga kaibigan.

Nagpasalamat sila sa manager ni Jennylyn na sina Becky at Katrina Aguila, kay Dra. Vicki Belo, at sa Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

Hindi ko lang alam kung may participation ang manager ni Dennis na si Popoy Caritativo dahil hindi niya ito nabanggit.

Pero successful ang concert at masayang-masaya silang dalawa dahil maganda ang resulta ng kanilang relasyon.

Inaabangan ng karamihan doon kung mag-propose ba si Dennis kay Jennylyn.

Tiniyak naman ng Kapuso Ultimate Star na hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw puwede, gawa nang may pinirmahan siyang kontrata sa GMA 7.

Kumpletong-kumpleto sana ang line-up ng mga special guests nila kung sumipot si Janno Gibbs.

Pero masaya  naman at nag-enjoy ang lahat sa participation ng mga special guests nilang sina Alden Richards, Alex Gonzaga, Carlo Aquino, JK Labajo at ang Juan Karlos Band, ang magkasin­tahang Jerald Napoles at Kim Molina, Nyoy Volante, Jay Durias, Nar Cabico, Juan Miguel Severo at si Nico Antonio.

Sabi ni Alden, hindi raw niya puwedeng tanggihan sina Dennis at Jennylyn dahil napakabait daw sa kanya nung nagsisimula pa lang siya sa GMA 7.

Tagahanga raw siya ng dalawa, hindi dahil sa magagaling silang artista kundi mabubuti raw silang tao.

Maayos naman ang pagkadirek ni John Prats na nag-birthday nung February 14 kaya napilitan siyang umakyat ng stage para i-blow ang candle sa birthday cake para sa kanya.

All-out din ang suporta ng mga taga-GMA 7 sa naturang concert dahil may TV airing ito sa Kapuso network.

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with