Jake Ejercito magse-seryoso na sa pag-aartista!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 16, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, simula lang talaga ang pelikulang Coming Home sa pagi­ging active sa showbiz ng anak ni former President Joseph Estrada na si Jake Ejercito.

Bukas nga, may pa-presscon ang ALV Talent Circuit para i-welcome siya ni Arnold Vegafria sa talent management company nito.

Seseryosohin na ng anak ng dating aktres na si Laarni Enriquez ang pag-aartista.

Parehong magaling na artista sina Erap at Laarni, kaya tiyak na mana sa mga magulang si Jake.

Sabi nga ng Coming Home director na si Adolf Alix, may ibubuga si Jake sa aktingan.

Napatunayan daw ‘yon ni Direk Adolf sa drama scenes ni Jake sa Coming Home.

Ang bongga!

Alessandra masaya sa lovelife

Absent si Alessandra de Rossi sa presscon ng pelikula niyang Watch List, pero wala naman daw intriga sa hindi pagdating doon ng aktres.

Kaliwa’t kanan naman ang TV guesting ni Alessandra to promote her movie na showing na sa February 19.

Actually, nang ka-chat ko ang kapatid ni Assunta de Rossi ay hiniling pa niyang isulat ko ang Watch List.

Tinanong ko ang dalaga kung gaano siya ka-excited sa Watch List at sinabing, “Very very. Hollywood director (Ben Rekhi), so iba ang style ng filmmaking.

“Type ko character kasi gray siya. Mabuti siyang tao, pero may mga mali siyang desisyon na akala niya tama for her family at that moment.”

Hindi ko na nga pala tinanong pa si Alessandra kung kumusta na sila ng boyfriend na si Direk Rico Gutierrez dahil alam ko na hindi siya comfortable na pinag-uusapan ang kanyang lovelife in public. Basta ang sinasabi lang ng mga taong malalapit sa kanya, happy raw ang life ng aktres.

So, puwede akong mag-assume na happy sila ni Direk Rico, huh!

Ian nagiging komedyante kay Ogie

Posting pa lang ni Ogie Alcasid tungkol sa meeting nila ni Ian Veneracion para sa KilaboTitos concert nila ay marami na ang nae-excite.

Sabi ni Ogie, pinag-uusapan pa lang nila sa meeting ang mga gagawin nila sa concert ay tawang-tawa na sila.

Laugh out loud musical experience nga raw ang mangyayari sa New Frontier Theater on March 20 and 21.

Kapag kasama kasi ni Ian si Ogie, lumalabas ang pagiging “comedian” din ng una.

Naku, Ateng Salve, kailangan mag-attend ka sa presscon ng KilaboTitos very soon para isa ka sa unang maka-witness kung gaano kasaya kapag magkasama sina Ogie at Ian, huh!

‘Yun na!

JAKE EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with