Sharon pahinga muna sa pag-e-emote, KC active na active!

Sharon

Ang post ni Sharon Cuneta sa IG na “I will be back... Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support. May God bless us all, always. Your Sharon.”

Ilang linggo nang hindi nagpo-post si Sharon at ang last two posts nito ay quotation card posts pa na ang sabi ng una, “Dear Lord, I surrender all to you” at sinundan ng “People who have done you wrong will always think your posts are about them.”

Kung nananahimik sa socmed si Sharon, si KC Concepcion naman ang active sa socmed mula nang i-launch ang kanyang YT channel na The KC Diaries. Puring-puri ng kanyang followers ang vlog ni KC at marami raw silang nalalaman.

Anyway, inaabangan na ng kanyang followers ang pagbabalik ni Sharon sa socmed at ang una niyang post sa kanyang pagbabalik dahil parang may pasabog.

Jasmine at dyowa four years na

Touching ang caption ni Jasmine Curtis-Smith sa photo nila ng boyfriend na si Jeff Ortega sa fourth anniversary nila as a couple.

“Four years of sharing ramen bowls, working towards our dreams, evolving in every trip we take, and abundantly falling in love with each other, with life. It’s always home with you. I love you my #poofertjeff.”

Short ang caption ni Jeff sa pinost na photo nila ni Jasmine at sabi, “4 years later and boy we have lots more to go. Happy Anniversary to my sunflower. Love you.”

Samantala, nabanggit ni Jasmine na nagpaiksi siya ng buhok para mas bumagay sa role ni Cpt. Moira Defensor na isang sundalo ang ginagampanan sa Descen­dants of the Sun. For sure, after DOTS, magpapahaba uli ng hair si Jasmine dahil nami-miss na niya agad ang long hair niya.

Isa si Anne Curtis sa nagro-root sa tambalan nina Jasmine at Rocco Nacino sa DOTS na ginawa niya sa Korean at original version ng drama series. Member daw siya ng “SLS” o Second Lead Syndrome na ang second lead ang mas inaabangan. Idagdag pa na bagay sina Jasmine at Rocco, may chemistry sila.

Show comments