^

Pang Movies

John Lloyd at Bea comeback movie, wala nang atrasan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd at Bea comeback movie, wala nang atrasan!

Marami ang excited dahil sa reports na unti-unti nang nagiging visible si John Lloyd Cruz nitong mga nagdaang araw. Marami ang natuwa noong sinasabing nakitang kausap niya si Bea Alonzo sa isang restaurant, at iniisip nila na posibleng magkatambal ang dalawa sa isang proyekto. Matagal na nilang hinihintay iyan dahil mahigit na isang taon ding walang ginawang proyekto si John Lloyd.

Ngayong nagkahiwalay na sila ng ina ng kanyang anak na si Ellen Adarna, mukhang babalikan nang talaga ni John Lloyd ang kanyang career.

Pero kung noon ay nababalitang may usapan sila ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina, ngayon may mga balita na mukhang hindi na nga ganoon. May sinasabi nang ibang proyektong gagawin si John Lloyd.

Isang bagay ang dapat isipin ni John Lloyd. Kilala siya hindi lamang bilang isang mahusay na actor kung hindi isang actor na kumikita ang mga pelikula. Sa ngayon, mas mahalaga na kumikita ang pelikula dahil kung ang pelikula mo ay bagsak sa takilya, mabuti kung may makuha ka pang proyekto ulit.

Maraming mahuhusay na artista, hindi mabigyan nang malaking proyekto dahil walang kakayahan bumatak ng tao sa takilya. Palagay namin iyan ang dapat isipin ni John Lloyd, makagawa ng isang pelikula na commercially viable. Na tiyak na hinahanap ng fans niya.

Talaga sigurong normal na sa mga artista na naghahanap naman na mapansin sila ng mga kritiko at manalo ng awards. Pero pakinggan ninyo iyong mga pelikula sa festival, umani ng awards pero pagkatapos umiiyak dahil walang nanonood ng kanilang mga pelikula, na mukhang ang nagandahan lamang ay ang mga juror.

Dapat mag-isip na mabuti si John Lloyd.

Pakulong isang milyong pirma ng ABS-CBN, wala pa sa kalahati!

Sa records, ang petisyon ng mga supporter ng ABS-CBN na pinangunahan pa nina Lea Salonga, Vice Ganda at iba pa nilang mga artista ay hindi pa umaabot ng isang milyong signatures na siya nilang target para manatiling bukas ang network.

Sa latest record, mayroon lamang 173 thousand ang pumirma sa petition.

Hanggang ngayon, wala pa rin sa kalendaryo ng kamara kung kailan pag-uusapan ang extention ng kanilang franchise.

Maaari na nga silang mag-isip na humingi na ng provisional permit mula sa NTC dahil pending ang kanilang broadcast franchise. Kung hindi naman, baka ang mangyari nga ay iyong sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez, na magpapatuloy na lang muna ang ABS-CBN, online o sa iba pang platforms dahil ang mawawala lang naman sa kanila ay ang public on the air broadcast.

Makakapanatili sila sa internet at sa mga cable channel, kaya hindi rin masasabing magkakaroon ng total shutdown, kagaya ng gustong mangyari ng mga kalaban naman nila. Isang buwan at labing siyam na araw na lang ang nalalabi sa kanilang broadcast franchise, at hindi pa rin kumikilos ang network. Mukhang naniniwala sila na eventually, bago mapaso ang kanilang franchise ay lalabas ang extention noon. Puwede namang nakahanda na nga silang magpatuloy na lang sa ibang platforms.

Sa ngayon, wala talagang makapagsasabi kung ano ang mangyaya­ring kasunod diyan sa ABS-CBN, pero isang bagay ang sigurado, hindi naman siguro mawawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado. Baka nga lang mas lumiit ang suweldo.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with