^

Pang Movies

Hindi na mega, nega na... Sharon pinahahamak ng social media account manager!?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hindi na mega, nega na...  Sharon pinahahamak ng social media account manager!?

Palagay namin, dapat si Sharon Cuneta ay payuhan namang huwag nang patulan ang bashers niya sa social media. Totoo ang sinasabi niya, walang pakialam ang sino man sa buhay niya at sa relasyon nila ng kanyang anak, pero sana nga hindi nagkaroon ng pagkakataong makialam ang kahit na sino kung ang mga bagay na iyon ay hindi niya binuksan sa publiko.

Nagkamali rin si Sharon eh. Binuksan niya sa social media ang kanilang tampuhan o kung ano man ang tawag niya sa mga bagay na iyon. Maaaring hindi si Sharon ang nagpapatol na iyan. Maaaring mayroon siyang tinatawag na “account administrator” na siyang nagpo-post sa kanyang social media account. Kung ganoon ang kaso, baka kailangang i-fire niya ang account administrator niya.

Ang social media, para bang nasa loob ka ng bahay mo, isinigaw mo sa bintana, natural maririnig ng lahat ng mga kapitbahay. Bago mo malaman iyon, pinag-uusapan na ng lahat ng mga kapitbahay mo. Isinigaw mo pa kasi sa bintana eh. Tapos sasabihin mong “wala kang pakialam dahil wala ka sa loob ng bahay ko”? Mahirap sabihin iyon.

Ipagpalagay na nating may samaan na ng loob. Una, bumukod na ng tirahan si KC. Pangalawa, may sinasabing isang family gathering na hindi niya dinaluhan. Ang matindi, hindi rin siya sumipot doon sa tribute kay Sharon ng isang Sunday noontime show, kung saan sinasabing naroroon ang buong pamilya maliban sa kanya. Pero mabilis namang nag-apologize si KC at sinabing mayroon siyang personal reasons.

Siguro kung kami iyon, tatawagan namin si KC at tatanungin namin kung ano ang kanyang katuwiran at doon na matatapos iyon. Kaso nga hindi eh, para tuloy lumalabas na hindi sila nag-uusap talaga maliban sa posts sa social media.  Bakit nga ba kailangang idaan sa social media?

Malabong isara!? ABS-CBN puwede pang humingi ng provisional permit

Talagang binabantayan nila kung kailan ikakalendaryo ng kamara ang panukalang batas para sa franchise renewal ng ABS-CBN. May dalawang ispekulasyon diyan. Lalabas iyan sa schedule, pag-uusapan sa floor at doon mismo approved ‘yan, at mabilis na ipadadala sa senado kung saan naghihintay din ang isang parallel bill, at mas lalong mabilis na mapag-uusapan ng 24 lang na senador.

Ang isang ispekulasyon, iipitin pa rin iyan at pababayaan ngang mag-expire, at sa susunod na sesyon na iyan tatalakayin. Kung mag-expire ang franchise ng ABS-CBN, ibig bang sabihin noon ay goodbye na sila by March 21?

Hindi pa rin po. Makakahingi ng provisional permit ang ABS-CBN mula sa National Telecommunications Commission para makapagpatuloy ng broadcast habang pending ang panukalang batas na mag-e-extend ng kanilang franchise. Maaari namang sabihin ng NTC na “sige bibigyan namin kayo ng provisional permit para matapos muna ang Probinsyano at saka iyong I have A Lover.” Siguro naman bago matapos iyon maliwanag na kung may extention nga ang kanilang franchise o talagang wala na.

Hindi rin natin alam kung bakit nga ba tumagal nang ganyan. Ang maliwanag lang, marami pa rin sa kanyang mga kaalyado ang sumusunod sa kagustuhan ng presidente.

Pero sana maayos naman ang problemang iyan. Kasi listener kami ng dzMM kung gabi at lalo na sa madaling araw. Kasi kung may mangyari, nauuna sila talaga sa balita kung madaling araw.

Kaya importante rin iyong may mapapakinggan kang ganoon. Kaysa naman sa wala kang kaalam-alam may nangyayari na pala sa paligid mo. Doon kailangan natin ang dzMM.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with