WHO may paalala rin Luis walang tigil sa kampanya sa pagma-mask!

Nakaka-disorient na ang dami ngayong naka--face mask.

Wow, talagang akala ko nasa Korea na ako.

Nauna nang naglabas ng paalala ang World Health Organization (WHO) na hindi kailangang gumamit ng surgical / face masks kung maayos naman ang iyong pakiramdam..

Ayon sa WHO, kailangan mo lang magsuot ng mask pag may symptoms ka ng ubo at hirap huminga o kung nag-aalaga ka ng mga may respiratory symptoms o kaya’y health worker ka.

Pero ang general public na walang respiratory symptoms ay hindi diumano nito kailangang gumamit.

Mas effective diumano ang maghugas ng kamay.

Nagkakaubusan na ng masks sa mga drug store sa kasalukuyan.

Pero, kung mas magiging safe ang pakiramdam mo pag nagsuot ka ng mask, wala namang problema.

Mas ok naman na may peace of mind ka kesa mag-isip ka nang mag-isip na baka makalanghap ka pa ng virus habang naglalakad kung hindi ka nito gagamit.

Samantala, pinaalala rin ni Luis Manzano kahapon na magsuot ng mask pag may sakit na. “Kung may sakit na, mag mask na po tayo at sana hindi tumigil ang ganito after NCOV, alagaan natin ang isa’t isa kahit sa mga simpleng sakit :),” sabi ng TV host / actor.

Actually ang face masks na ang latest fashion statement sa kasalukuyan.

Sa isang wedding photo na nag-viral the other day, sa group pictorial ng kinasal, lahat ng guests naka-mask na.

Kaya nasayang ang make up nila dahil mata at buhok na lang ang nakita.

Hay nakakaloka na…

Show comments