^

Pang Movies

Andre ayaw makisawsaw kina James at Nadine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Andre ayaw makisawsaw kina James at Nadine
Andre

Kung last year ay nakapag-produce ng 19 films ang Viva Films, sa kanilang Viva Films 2020 Vision thanksgiving dinner, ipinahayag ni Boss Vic del Rosario with son Vincent and daughter Veronique na pangako nilang gagawa sila ng 34 films with an investment of 1 billion pesos. Naroon pa rin ang confidence ng Viva Films in Phi­lippine Cinema. Lalo pa nga at ang kanilang Miracle InCell No. 7 ang naging blockbuster movie sa katatapos na 45th Metro Manila Film Festival last Christmas season.

Ilang movies na kaabang-abang mapanood ay ang Sunny na magtatampok kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, may movie rin na pagssamahan ang child star na si Xia Vigor at Janno Gibbs. 

Napansin namin na si Bela Padilla na isa sa may maraming upcoming movies, isa na rito ang 100 Tula Para Kay Stella 2 na una nilang pinagtambalan ni JC Santos.

 Samantala, maraming Viva artist na dumalo at isa na nakausap namin ay si Andre Paras. Natanong namin si Andre tungkol sa relasyon ngayon nina James Reid at Nadine Lustre.

“I’m sad sa nangyayari sa kanilang relasyon, hindi ko sila nakakausap kaya I don’t want to comment on the issue,”sabi ni Andre. “Malaki po ang utang na loob ko sa kanila.Dahil kung hindi sa kanila, nang maisama kami ni Yassi(Pressman) sa movie nilang Diary ng Panget, hindi po kami makikilala. I just hope na maayos ang lahat sa kanilang dalawa at ang problema rin ni Nadine sa Viva Artists Agency.”

Samantala, naging emosyonal naman si Andre tungkol sa pagkamatay ni Kobe Bryant sa isang helicopter crash.

“It hurts me nang malaman ko ang nangyari. Big influence po sa akin si Kobe, hindi lang po sa basketball, pati na rin po sa lahat ng sports. 

“Lahat umiiyak sa nangyari sa kanya. My younger brother, si Kobe, ipinangalan after him ng Mom ko nang ipanganak siya in 1997. Nanghinayang lamang ako dahil hindi ko pa siya na-meet personally.”

Nilinaw din ni Andre na wala silang problema ng Mom niya tulad nang nasusulat. Kung hindi raw nakikita sa kanilang Instagram ang pictures nilang magkasama, desisyon nila iyon. Umiiwas lang daw sila sa bashings. But their Mom is staying na here for good.

Kahit busy si Andre sa mga project niya sa GMA Network, naka-graduate na rin siya sa AMA Online Education ng Bachelor on English Studies.  Hindi rin niya pinababayaan ang paglalaro ng basketball at member siya ng D’League team ng AMA.

Bukod sa gagawing movies ni Andre sa Viva Films, ang pinaghahandaan niya ay ang nalalapit na airing ng kanilang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

vuukle comment

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with