Coco, lucky charm ang mga lumang artista
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nauna nang naibalita na may kukuning Hollywood stars ang FPJ’s Ang Probinsyano na babayaran nila malamang ng dollars. Dahil dito ay may kumukuwestiyon tuloy, bakit daw hindi na lang kunin ang mga dating artista? Sa totoo lang, mas kilala pa sila ng mga Pinoy kesa sa Hollywood stars.

Sa true lang din, kasama ang mga lumang artista sa mga sikreto ni Coco Martin kaya hanggang ngayon ay pinapanood pa rin ang show niya. Natutuwa sila dahil muli nilang nakikita ang mga artistang iniidolo nila noong unang panahon.
Suwerte rin ang komedyanang si Whitney Tyson. Mistulang lason siya sa paningin ng nagbabait-baitang si Lorna Tolentino.

Alden bigay na bigay sa iyakan

Ayaw magpaawat ni Alden Richards sa mga huling araw ng kanyang pagganap sa ser­yeng The Gift ng GMA 7. Tunay na luha talaga ang lumalabas sa aktor ‘di tulad ng iba na dahil lang sa balat ng sibuyas.

Marami ang nagsasabi na kumukuha ng hugot si Alden sa pagdurusa ng ilang mga kababayan sa Batangas na inabutan din niya ng tulong. Awang-awa si Alden sa mga senior citizen maging sa mga baby na biktima ng Taal.

Personal…

Birthday greetings to January born celebrants na sina Ian Fariñas, Shirley Pizarro, Drew Arellano, Rannie Raymundo, Ken Chan, Hilda Koronel Glaiza De Castro, Richard at Raymond Gutierrez.                     

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with