Ate Vi awang-awa sa sinapit ng mga biktima ng Taal
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagal din na naging governor ng Batangas si Congresswoman Vilma Santos, kaya naman hindi niya nakalimutang dalawin ang mga kababayang nandoon nang pumutok ang Bulkang Taal.

Mangiyak-ngiyak si Ate Vi nang makita ang kalagayan ng mga taong biktima ng kalamidad. Kaya agad siyang nagpatawag ng tulong para sa mga ito.

Hindi rin naman nakalimot tumulong ang anak niyang si Luis Manzano na nagpadala ng napakaraming donasyon.

Awang-awa si Ate Vi sa mga bata at matatanda. At karamihan sa kanila ay sa mga evacuation center nanunuluyan. Pati ang mga paaralan ay ginamit na lang para may matuluyan ang mga tao.

Janella hindi naitago ang kilig sa halikan nila ni Joshua!

Noong January 17, nagtapos na ang sinubaybayang teleserye sa ABS-CBN tuwing gabi, ang The Killer Bride na pinagbidahan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann.

Marami ang hinayang na hinayang na nagtapos na ito agad, gustung-gusto pa naman ng mga manonood ang istorya nito. At isa pa, bago ito sa kanilang panlasa, hindi yung puro drama na lang at sakitan.

Samantala, trending ngayon ang magkatambal sa nasabing serye na sina Joshua at Janella. Nakikilala sila ngayon bilang JoshNella.

Sa finale party ng The Killer Bride, pinanood ng staff at cast ang huling episode nito. Naka-full screen ang bawat eksena. Nang dumating na sa parteng naglalambingan na sina Joshua at Janella, huling-huli sa camera ang kilig ng huli. Tinatakpan pa nito ang mukha dahil hindi niya kinakaya ang eksenang maghahalikan na silang dalawa ni Joshua.

Sa tabi naman niya ay si Maja na bagama’t abala sa pagbi-video ng buong pangyayari ay hindi nakakalimutan makikantyaw sa mga tao sa paligid.

Hiyawan ang mga tao nang mag-kiss ang dalawa. Ano na nga kaya ang tunay na estado nila? Mukhang naka-move on na nga si Joshua sa ex niyang si Julia Barretto.

Mga inactive na artista may major throwback sa showbiz!

Totoo talaga siguro ang sabi-sabi nila na parang magnet o kumunoy ang showbiz industry, na kahit anong pag-alis mo ay hihilahin at hihilahin ka pabalik. Katulad na lang ng mga matatagal nang artista na nag-decide na mag-lie-low sa pag-arte, pero nagbabalik uli ngayon. Ilan na riyan ay sina Coney Reyes, Vina Morales, Snooky Serna, Rosanna Roces, Dina Bonnevie, Abby Viduya, John Lloyd Cruz at marami pang iba.

Hindi talaga nila matatakasan ang pagiging artista, lalo na kapag nangailangan na rin sila at hinanap-hanap na ng kanilang katawan ang pagtapat sa harap ng kamera.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to January born celebrities na sina Drew Arellano, Sandy Andolong, Mildred Ortega, Elsa Payumo, Peachy Sacasaz, Karen Villar, Lyn D. Amour, Joe Barrameda, Lourdes Fabian at Melchor Bautista.                                                              

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with