^

Pang Movies

Actor na si John Regala ulila na, nanay namatay sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Ulila nang lubos sa kanyang mga magulang ang actor na si John Regala nang yumao ang kanyang ina, ang dating actress na si Ruby Regala (Susan Gregorio in real life).

Si Ruby ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Sabado, January 11 sa ganap na ika-6:45 ng umaga sa Washington, D.C. sa edad na 72.

Ayon sa anak nitong si John, nagkaroon umano ng brain tumor ang kanyang ina. Pumutok yung ugat sa utak at nagkaroon ng blood clot. Agad siyang inoperahan ng mga doctor pero hindi na ito kinaya hanggang sa siya’y bawian ng buhay. Siya’y isinugod sa pagamutan nung December 30 at siya’y nasa ICU.

Si Ruby na isang American citizen ay mag-isang namumuhay sa Amerika at wala umano silang mga kamag-anak doon.  Ang mga `kapatid’ niya sa Iglesia ni Cristo ang tumulong sa kanyang dalhin siya sa pagamutan at sila pa rin ang tumutulong na madala ang kanyang mga labi sa Pilipinas para dito iburol at ilibing.

Since bawal ang cremation sa Iglesia ni Cristo, hindi umano iki-cremate si Ruby.

Si John ay kaisa-isang anak ng kanyang estranged parents na sina Ruby at ang namayapang dating actor na si Mel Francisco.

Huling nakita ni John na buhay ang kanyang ina ay nang ito’y magba­kasyon sa Pilipinas nung December 30, 2018 at namalagi ito rito hanggang February 19, 2019.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with