Yayamanin na... Joshua ipinasyal sa abroad ang loyal team!

Ginastusan ng young actor na si Joshua Garcia ang kanyang loyal team sa Singapore bilang Christmas gift.

Kasama sa biyahe ang team ni Joshua sa Star Magic, glam team at personal assistants.

Sa report ng starcinema.com, pumasyal ang grupo sa Universal Studios, Marina Bay at iba pang lugar sa bansa.

Yaman na ni Joshua, ‘no?

Pasko pa naman Sharon nagluluksa sa BFF

Malungkot ang Pasko ni Sharon Cuneta. Pumanaw na ang isa sa kaibigan at naging back up singers niya na si Tina Isidro-Isorena na kapatid ni Agot Isidro.

Tweet ni Shawie, “I will always love you, Tina. You were the first to leave among my innermost circle of friends who know me from heart to bituka, it’s hard.

“But I’m okay now. You would not want me or any of us to not be. Thank you for EVERYTHING. This is not goodbye,” bahagi ng tweet ni Shawie.

Lea ayaw panoorin ang pelikula ni Carmina

Hindi panonoorin ni Lea Salonga ang pelikulang Sunod ni Carmina Villarroel. Napanood niya ang ilang bahagi ng mga entry ngayong festival habang nasa isang sinehan.

Pretty good para kay Lea ang mga entry na malamang panoorin niya except for Sunod.

Pero bawi niya, “I can’t do horror. As in, I can not. Good luck, everyone!!!” tweet ni Lea.

Kayo, anong bet ninyong panoorin sa walong MMFF entries?

Show comments