^
Marian nakipag-date sa mga anak
Ziggy & Marian

Marian nakipag-date sa mga anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 21, 2019 - 12:00am

Itsa-puwera muna si Dingdong Dantes sa isang okasyon bilang ka-date ng asawang si Marian Rivera.

Ang bunsong anak na si Ziggy ang ka-date ni Yan at tulad ng asawa ay guwaping na guwaping ang bagets na naka-tuxedo pa, huh!

Ipinagmalaki ni Marian ang kakisigan ng anak sa Instagram pic nilang mag-ina. Umani ito ng mara­ming likes at papuri sa kapogian nito.

Of course, kasama rin sa lakad na ‘yon ni Yan ang panganay na si Zia na carbon copy niya pagdating sa ganda!

Direk iniwang luhaan ang mga alagang crew

Nag-iiyakan ang ilang crew ng isang director dahil iniwan sila ngayong Pasko at Bagong Taon.

Tigil trabaho kasi sila ngayong holidays. Natigil ang weekly sahod ng staff except for a few na binigyan ng allowance.

Hanap tuloy ng ibang mapagkakakitaan ang ilan sa staff para may pang-Noche Buena sa pamilya at pambigay sa mga inaanak at kamag-anak.

Sa abroad nagbakasyon ang director.

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with