Liza at Nancy nag-face off!

Liza at Nancy

Personal na na-meet ni Liza Soberano ang sinasabing look alike niya , si Nancy Mcdonnie ng K-pop girl group na Momoland sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN.

Take note, may pic pa sina Liza at Nancy na magkasama, huh! Pareho nila itong ipinost sa kani-kanilang Instagram account.

Naka-post din sa IG ni Liza ang litrato nila ni Nancy. Caption niya, “It was nice meeting you @gru_g.ru!

Komento ni Maymay Entrata, “grabi!!! Ganda nyong dalawa! Grabi!!!”

Lea bumuwelta sa illegal na paggamit ng kanyang mukha sa pampaganda

Umaray si Lea Salonga nang makita ang name niya sa ads ng isang brand ng face cream. Eh, meron siyang ibang brand na ineendorso kaya nagbigay siya ng warning sa kanyang Twitter.

“Sigh…it seems another batch of fake face cream ads bearing my name is making the rounds on Face Book.

“Once again, FAKE.

“My only endorsement for skin care is Facial Care Center. If you see one of those fake ads, kindly report on my behalf. Thank you,” tweet ni Lea.

Show comments