^

Pang Movies

“It comes in threes” hindi nagkatotoo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
�It comes in threes� hindi nagkatotoo
Catriona

Natawa na lang kami sa aming kuwentuhan over lunch ng ilang mga kaibigan naming ang trabaho ay sa isang survey firm. Sabay-sabay daw nilang binabantayan ang telecast ng Miss Universe kahapon ng umaga, at maski sila ay nabigla nang bigla ring bagsak ang viewership matapos na hindi makasali si Gazini Ganados sa top 10.

Ibig sabihin, marami lang ang interesadong manood kung mananalo ang Pilipinas. Hindi sila talagang interesado sa contest. Hindi mo naman masasabing masama ang pagkatalo ni Gazini dahil nakasama siya sa top 20. May mga bansang ni hindi nakatikim nang ganoon. Pero masyado nga kasing mataas ang expectations nila eh. Akala nila ang Pilipinas ay maaaring manalo ng back-to-back. Akala nila isasalin ni Catriona Gray ang korona ng Miss Universe sa isang Pilipino rin. Ilang araw bago ang Miss Universe, matindi ang forecast ng mga Pinoy, pabor siyempre kay Gazini.

Masyado nga kasing mataas ang expectations, lalo na nang halos magkasunod na manalong Miss Universe sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

May mga naniniwala na “it comes in threes”, eh hindi nga nangyari iyon. Kaya maraming dismayado at nang hindi makapasok si Gazini sa top 10, at saka nila naalala, mataas na nga pala ang singil sa kuryente, nagpatay na sila ng TV.

Marami rin ang nag-set up ng malalaking TV sets sa ilang lugar sa Metro Manila, para sabay-sabay nga silang manood na nang matalo si Gazini, nagkawalaan na rin ang mga tao.

Sa Pilipinas lang naman iyang trend na ganyan. Kaya sinasabi nila kung minsan pikon ang mga Pinoy. Hindi nila tanggap na sila ay natatalo.

Sa palagay naman namin, hindi mangyayari ang ganoon kung hindi nga masyadong mataas ang projections na kanilang ginawa noong una pa man.

Kapatid ni Maine artistahin na rin

Nag-post ng isang wala namang kamali-malisyang statement ang kapatid ni Maine Mendoza na si Coleen, at iyon ay tungkol sa “pakikipagrelasyon”. Isang quotation lamang iyon pero marami ang nagsabing mukhang pinatutungkulan niya ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Nang pinag-uusapan na ang kanyang post, nag-post na muli si Coleen na wala siyang ibang taong gustong tukuyin sa kanyang post, at wala iyong kinalaman sa kanyang kapatid.

Pero nang mag-post siyang muli, iba na ang napuna ng mga tao. Ang sinasabi nila maganda pala si Coleen, in fact may nagsasabing kung titingnan mong mabuti, mas maganda siya kaysa kay Maine. Kaya may nagsasabing dapat daw siguro mag-artista rin si Coleen.

Dating loveteam may balikan pagkatapos maging kontrobersiyal

Magkasama sa isang picture ang dalawang young female stars. Sinasabi, nagka-bonding daw silang dalawa ulit. Obviously, dati silang magkaibigan. Iyong isa, muntik nang sagasaan ang kanyang boyfriend nang magselos sa leading lady noon sa isang hindi kumitang pelikula. Iyong isa naman, mas sumikat dahil sa “ghosting”.

Mukhang parehong nega nga ang nagkasama.

Pareho silang lumalaban ngayon para maibalik sa dati at maging wholesome na muli ang kanilang image, matapos ang kanya-kanya nilang controversy.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with