Sarah at Richard
Richard at Sarah magbababad muna sa beach bago tutukan ang kasal!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

Parehong mahilig sa beach sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, kaya pati ang mga anak na sina Zion at Kai ay mahilig din sa lugar na ‘yon.

This week, aalis na naman silang magpapamilya para mag-beach.

Bale bonding na nila ‘yon dahil aalis nga sila sa Christmas day at si Kai ay maiiwan sa mga lola niyang sina Annabelle Rama at Esther Lahbati.

Pagbalik nila after New Year ay magko-concentrate na sila sa pag-aasikaso sa kasal nila sa March 14, 2020.

Yes, marami na rin ang nakakaalam sa date ng kasal nina Richard at Sarah dahil nakapag-imbita na rin sila.

Malamang sa January ay malalaman na rin ang iba pang mga detalye tungkol sa kasalang Richard-Sarah dahil ia-announce na ‘yon sa mga show ng ABS-CBN.

Ate Vi warm at sweet pa rin

Nasa Congress kami kahapon ni Annabelle Rama at nakita namin doon si Deputy Speaker Dan Fernandez.

Itinuro sa amin ni Representative Dan si Re­presentative Vilma Santos-Recto na lumapit sa amin at nakipagtsikahan.

In fairness to Ate Vi, napaka-warm niya kapag nakakakita ng mga kasamahan sa showbiz at super sweet nga si Ate Vi nang makatsikahan ko.

Biniro pa nga niya ako na hanggang sa Congress ay nagtatrabaho at nag-iinterbyu ako.

Ang iba pang mga taga-showbiz na pawang mga representative na ngayon na nakita namin doon kahapon ay sina Alfred Vargas, Yul Servo at Precious Hipolito-Castelo.

Mga mag-e-emote sa Christmas special ng Kapamilya inaabangan na

Ang taping ng Christmas special ng ABS-CBN mamayang gabi sa Araneta Coliseum.

Siyempre, star-studded ‘yon dahil sa napakaraming Kapamilya stars. Sino kaya ang magre-react this year at magpo-post na hindi siya imbitado?

‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with