Sharon kinontra ang tsismis ni Digong
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Kung kami ang tatanungin ngayon, hindi rin kami nakakasiguro na sinabi nga ni Presidente Rodrigo Duterte na gusto nang palayasin ni Sharon Cuneta ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan. Kasi napanood daw iyon sa video ng CNN. Hinahanap namin ang video, wala kaming makita. Ang isa pang tanong, bakit wala yatang nakapansin noon sa Pilipinas. Mas nauna pang nakapansin ang anak ni Sharon na nasa abroad?

Hindi rin kami naniniwala na hindi mapapansin ng ABS-CBN, o ng GMA-7, o TV5, kung may ganyan ngang sinabi ang presidente. Lahat iyang mga network na iyan laging nakatutok sa Malacañang, bakit wala isa man sa mga major network na nakakuha ng report?

Iyong lumabas na report sa ilang tabloid, galing na rin sa mga reaksiyon. Eh iyang mga diyaryong lehitimo, may kinatawan ang mga iyan sa Malacañang araw-araw. Imposible na walang isa man sa kanila na nakapansin sa sinabing iyon ng presidente kung mayroon man, bukod tangi sa CNN.

Wala rin kumpirmasyon ang CNN kung talaga ngang sa kanila galing iyon. Alam naman ninyo sa social media, ginagamit ang logo ng mga lehitimong news sources para magkalat ng fake news.

Anyway nilinaw na ni Sharon na hindi sila nagkakausap ng presidente simula pa noong dumalaw sila ng kapatid niyang si Chet sa Malacañang para hingin ang endorsement ng presidente sa pagtakbo ng kanyang kapatid bilang mayor ng Pasay. Hindi na sila nagkita pagkatapos noon, natalo rin naman ang kapatid niya sa eleksiyon.

Sinabi niyang hindi naman totoo na gusto na niyang palayasin sa bahay ang kanyang asawa, at wala nga lang mapuntahan iyon kaya naroroon pa. Mukhang hindi naman talaga affected si Sharon sa tsismis. Hindi rin naman kasi maliwanag ang source.

Elsa tuloy ang paghataw sa takilya

Humahataw pa rin sa takilya si Elsa ng Frozen II, mabuti na lang at kahit na papaano lumalaban naman si Bea Alonzo.

Nakakalungkot isipin, ngayon lang kami nakakita ng isang pelikula ni Maricel Soriano na sa araw ng Linggo, naka-slide screening na siya sa isang sinehan, kahati ang isang mahina ring pelikulang Ingles. Eh iyang si Maricel, consistent na box-office star iyan noong kanyang panahon. Pero naapektuhan din ng kanyang matagal na bakasyon, at siguro ng kanyang edad na rin.

Kung ang pelikula palang iyan ni Maricel isinali pa sa MMFF, aba eh lalong kawawa iyan. Blessing in disguise na rin ngang hindi iyan napiling isali sa festival.

Yulo rockstar na rockstar ang dating

Ang gymnastics, hindi iyan isang spectator sports. Walang nanonood ng kumpetisyon niyan. Pero noong linggo ang haba ng pila sa Rizal Memorial dahil sa gymnastics competition. Isa lang ang dahilan, sigurado silang hahakot ng medalya si Carlos Yulo. Talaga namang magaling si Yulo, in fact qualified na nga siya sa Olympics sa Tokyo sa susunod na taon. Isa pa, bata pa at may hitsura naman si Caloy. Parang matinee idol ang dating niya sa fans. Hindi kami magtataka kung isang araw, may kukuha na ring isang TV show diyan kay Caloy. Malakas sa fans eh.

Isipin ninyo na napuno ang Rizal Memorial ng mga fans na nagsisisigaw ng “Yulo”. Hindi iyong gymnastics competition ang kanilang dinayo roon, si Caloy Yulo lang talaga.

Parang rockstar ngayon si Caloy.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with