Vhong-Tanya
Kasalang Vhong-Tanya siksik sa aliw moments
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 30, 2019 - 12:00am

Ang saya nang napanood naming video sa kasal nina Vhong Navarro at Tanya Bautista dahil sa march to the altar, hahalikan na sana ni Vhong si Tanya nang salubungin niya ito at kunin sa kanyang ama. Biniro si Vhong na hindi pa ‘yun ang oras para i-kiss ang wife.

Sa reception, isang dance number ang regalo ng mga bagong kasal at may dance showdown din sila. Kasunod noon, may dance showdown sina Vhong at Tanya, kasama ni Vhong ang Best Men niya at kasama ni Tanya ang Maid of Honor at mga abay. Pati Japanese photographer, natuwa sa napanood.

Kabilang sa mga bisita sina Anne Curtis at husband na si Erwan Heussaff, Billby Crawford and wife Coleen Garcia and engaged couple Neil Arce and Angel Locsin.

Oyo Boy dumipensa sa pagkakadawit sa talksh..

Pinost ni Oyo Sotto ang lumabas na meme niya na kung saan, tinawag niyang “talkshit” ang mga naninira sa Duterte government. Naka-post ang “Kapag ibang bansa ang binomba, lakas niyo maka #PrayforFrance, etc. Pero nung ang Pinas na GINAWA NIYO LANG BIRO? Sinisi niyo agad ang Presidente? Puro kayo talkshit!

“Mga hypocrite! Nalulungkot ako dahil may mga Pinoy na katulad niyo! Kinahihiya ko kayo! Kaya ‘di umuunlad ang pilipinas dahil sa inyo!”

Hindi naman pala si Oyo ang nag-post noon at nilinaw ang tungkol dito sa IG niya. Sabi ni Oyo: “gusto ko lang po linawin na hindi sa akin galing ang mga salitang nasa picture. Matagal na po ito, may nagkalat na naman. Doon po sa gumawa nito, paki-delete at wag po sana gamitin ang kung sino man na hindi naman talaga nagsabi nyan. Mag ingat po tayo sa fake news, salamat po. #maramingnamamataysaakala.”

Also, ni-repost ni AiAi delas Alas ang sinabing fake news ni Oyo at marami ang nag-agree sa kanya.

Jak at Sanya nagko-kontrahan sa dream house

Nalilito kami sa magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez, hindi namin alam kung sino ang nagsasabi ng tama sa dalawa. Sabi kasi ni Sanya sa isang interview, wala pa silang dream house at naghahanap pa ng lote na pagtatayuan ng bahay. May lote sila, pero sa Tagaytay at ang balak nilang ipatayo roon ay rest house sana.

Pero, bakit nabalitang nagsimula nang bumili ng home appliances si Jak para sa bahay nila? Tapos sa latest post vlog ni Jak, nakasulat na binisita nila ni Sanya ang kanilang dream house at sa kanilang likod, may magandang bahay na nakatayo.

Naalala rin naming nabanggit ni Sanya na gusto sana niyang malapit sa GMA-7 ang ipatatayo nilang bahay para malapit sa trabaho.

Ang feeling ng press people, ang magkaroon ng bahay ang rason kung bakit ayaw pang mag-boyfriend ni Sanya. Hindi baleng may GF si Jak dahil sabi ni Sanya, masipag at mahusay humawak ng pera si Jak. In fact, dalawa na ang SUV nito, samantalang siya, isang SUV pa lang.

Igan nagpabago ng buhok?!

May nabago sa mukha ni Arnold Clavio, pero walang magkalakas ng loob sa mga reporter na nasa presscon ng 20th anniversary ng Unang Hirit na itanong kung ano ang nabago sa mukha ni Arnold. Hindi naman siguro ma-o-offend si Arnold kung natanong kung ano ang binago sa hair niya. Hahaha!

Samantala, for UH’s 20th anniversary, hanggang December 6, loyal viewers of the show will be treated with special episodes and surprises. Darating ang former hosts ng show para makisaya pa at mamimigay pa ng special prizes gaya ng home appliances, furniture, negosyo packages, at gadgets. May mananalo rin ng brand-new house and lot.

TANYA BAUTISTA VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with