Angelica at Bea
Angelica Instagram
Angelica at Bea pareho ng kapalaran sa dyowa!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

“Ang masasabi ko lang, suwerte kung sino ang makaka-relasyon nilang dalawa pagdating ng araw,” nasabi ni Richard Gutierrez tungkol sa dalawang leading lady ng Unbreakable na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Nauna roon, nagkatuksuhan, at inamin naman ng dalawa na nagkaroon sila nang halos magkaparehong karanasan sa kanilang love affair. Pareho silang “iniwan”. Ganoon pa man mabilis din naman nilang sinabing bale wala na iyon sa kanila sa ngayon dahil pareho na naman silang naka-move on kahit na nga wala pa naman silang ipinapalit sa kanilang ex.

Naniniwala naman kaming tama si Richard. Bakit nga ba hindi, eh iyong dalawa ay kabilang sa pinakamagagandang artista natin sa kasalukuyan. Kabilang din naman sila sa mga kinikilalang mahusay na aktres. Kapwa rin naman sila maayos ang buhay. Kung sabihin nga, kung ganyan ang syota mo at iniwan mo pa, baka ikaw na nga ang may problema.

Eh kasi kung iisipin mo lang, ano pa nga ba ang hahanapin mo kung ang syota mo ay kagaya ni Bea Alonzo o Angelica Panganiban?

Ang isang nakikita naming dahilan, dahil sa taas naman ng naabot na sa career ng dalawa, ang lalaki ay maaaring maging insecure kung hindi pa siya umaabot sa ganoon. Iyan naman ang usual case basta ang isang babae ay mas matagumpay sa career kaysa sa lalaki, nagkakaroon talaga ng insecurity at doon na nagsisimula ang hindi pagkakasundo. Lalo na nga kung iisang industriya ang kanilang ginagalawan.

Sana nga makakita na sila ng bago nilang mamahalin, at talagang suwerte kung sino man ang lalaking mapipili nila.

Gloria legendary na

May napansin din naman kami sa poster ng Unbreakable. Nakakatawag ng pansin ang billing na Ms. Gloria Diaz. Sa history ng Philippine movies, iisang aktres lang ang nakagawa niyan, ang maglagay ng “Miss” sa kanyang pangalan, ang legendary actress na si Miss Rita Gomez.

Simula noon, ngayon lang nagkaroon ng ganyang title sa billing. Palagay naman namin deserve iyan ni Gloria Diaz.

Si Ms. Gloria Diaz ang kauna-unahang Filipina na nanalong Miss Universe noong 1969. Siya ang nagsimula ng winning streak ng Pilipinas, na mula noon ay mas napansin na at nanalo na nang sunud-sunod hindi lang sa Miss Universe kundi ganoon din ang iba pang international beauty pageant.

Bukod doon, napatunayan na naman ni Miss Gloria ang kanyang kakayahan bilang isang aktres at marami na ring nagawang mga pelikulang itinuturing na classics.

Female star ibinibenta ang mga inuutang na pabango at alahas

Ibang klase rin si female star. Napakahilig niyang bumili ng mga pabango at alahas sa mga naglalako sa mga television studios. Utang iyon. Pero napakatagal niyang magbayad, at minsan hindi pa raw nababayaran. Wala ka namang mabawi sa kanya dahil natuklasan nila na ang mga inuutang pala niya ay ipinagbibili rin niya sa ibang mga tao.

Talaga bang kapos na kapos na siya sa pera kaya niya nagagawa iyon? Bibili nang mahal, ibebenta nang palugi maging pera lang.

ANGELICA PANGANIBAN BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with