Richard Gutierrez , Angelica Panganiban at Bea Alonzo
Angelica at Bea iba ang tingin noon kay Richard!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Richard Gutierrez sa isang pelikula under Star Cinema, ang Unbreakable at pawang feeling very honored ang tatlo na makatrabaho ang isa’t isa.

Sa mediacon para sa nasabing pelikula held last Wednesday, puro papuri ang mga binitiwang salita ng tatlo sa isa’t isa.

Ayon kay Richard, sobrang thankful siya sa Star Cinema na binigyan siya ng opportunity na makatrabaho sina Bea, Angelica and director Mae Cruz-Alviar.

 “Parang very cozy kaagad ‘yung atmosphere, parang ang dali nilang pakisamahan, ang dali nilang katrabaho. Magaan ang feeling sa set. Tapos, sobrang professional. Akala mo, pag hindi nagte-take, parang wala lang, relax lang. Pero pag nag-take na, grabe, ang galing. Ang husay nila, ang sarap katrabaho,” sey ni Chard.

Ayon naman kay Angelica, noong nasa GMA 7 pa lang si Chard ay ini-imagine lang niya na makatrabaho ito at hindi niya alam kung magkakatotoo.

“So, ayun, parang iniisip mo rin na isa siya sa gusto mong makatrabaho talaga. Na inakala kong imposible. So, ayun, nangyari siya, and nakakatuwa, sabi ko nga, mabait pala si Richard. Parang akala ko dati, medyo snobbish, sobrang tahimik.

“Sobrang ano siya, sobra siyang hilig na makipagkwentuhan, di ko inakala. Tapos good listener siya. Pag nagkukuwento ka, parang lagi siyang interested, ewan ko kung nagpapanggap siya o talagang ganu’n siya. So, kung nagpapanggap siya, very good, ang galing,” pahayag ni Angelica. Tawanan.

Halos ganu’n din ang sabi ni Bea. Hindi rin daw niya inakala na makakatrabaho niya si Richard lalo pa nga’t sabay daw noon ang team-up nito with Angel Locsin at loveteam naman nila ni John Lloyd Cruz.

“Tapos, iniisip ko, ‘siguro, hindi ko na ‘to makakatrabaho.’ Pero dumating din ang oras na nagkatrabaho kami,” she said.

Akala rin daw niya ay snobbish at sosyal masyado si Chard pero hindi naman daw pala.

“The very refined Richard Gutierrez,” tawag pa ni Bea kay Chard.

Hindi raw niya akalain na nakakatawa raw palang tao ang aktor at pagkatapos ay nagtawanan na naman sila ni Angelica.

Well, parang may istorya sa likod ng tawanan ng dalawang girls na hindi naman na nila sinabi.

Anyway, ang Unbreakable ay magbubukas sa mga sinehan ngayong Nov. 27.

JBK nominado sa Ppop Awards

Noong Oktubre lang ni-release ng JBK ang single nilang Anestisya pero nakatawag na agad ito ng pansin dahil sa kontrobersyal nitong lyrics tungkol sa isang sawi na gustong makalimot sa pamamagitan ng alak.

In fact, dalawang radio stations na nga raw ang tumanggi na patugtugin ang kanta dahil nga sa lyrics nito.

Sa presscon ng JBK recently ay natanong ang tatlong miyembro na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario and Kim Ordonio kung ano ang feelings nila regarding this at naiintindihan naman daw nila kung ito ang desisyon ng dalawang istasyon.

“Actually, ‘yung music kasi is about alak talaga. ‘Yun talaga ang first impression. So, siguro, dahil sa religion and hindi sila nag-aano (nagpa-patronize) ng alak or sigarilyo, siguro ‘yun ‘yung reason kung bakit hindi nila ma-play. Pero ‘yung radio station (Pinas FM) eh, supportive naman sa amin,” paliwanag ni Kim.

‘Yung song lang naman daw na Anestisya talaga ang hindi ma-play pero ang mga interviews naman daw sa kanila ay nilalabas.

Pero magkagayunman, masayang-masaya ang trio sa overwhelming feedback ng mga tao sa kanta nila and in fact, most wanted song daw parati sa ibang FM stations tulad ng Barangay LS, Win Radio and Wish FM.

Bukod dito, because of the song ay nominated ang JBK as Most Favorite Pop Boy Group of the Year sa Ppop Awards 2019.

Ang Anestisya ay composed ng kasamahan sa trabahong si Jojo Panaligan and produced by Rider PH Studios.

Matatandaang nakilala ang JBK noong sumali sila sa X-Factor UK noong 2017 at umabot hanggang semi-finals.

ANGELICA PANGANIBAN BEA ALONZO RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with