Bea at Angelica sasagutin na ang mga lalaking nang-break sa kanila!

Angelica at Bea

Happy set ang Unbreakable movie nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Tuluy-tuloy lang ang shooting nila at tamang-tama lang dahil showing na sila sa November 27.

Next week ang presscon ng pelikula dahil tapos na sila by then.

Tiyak na matatanong sina Bea at Angelica tungkol sa mga lalaking nag-“break” sa kanila, handa kaya silang sagutin ‘yon?

Magkuwento kaya ang dalawa tungkol sa mga detalye?

Siyempre, si Richard as a gentleman, malamang na hindi sumagot kapag tinanong kung sinu-sinong girls ang nag-“break” na ng kanyang heart.

Anyway, kasama rin sina Ian Veneracion at Gloria Diaz sa Unbreakable at special participation ang billing ng aktor sa poster ng pelikula at si Tita Gloria naman ay may “Ms.” billing.

Ang bongga!

Iconic US at Canada Tour nina Sharon at Regine, mabenta na agad

Isa pang bongga ay ang Iconic USA at Canada tour nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.

Sa May pa ‘yon, pero pagka-announce pa lang ay napakarami ng inquiry sa promoter na si Nancy Yang.

Napakaraming producers doon ang gusto na magkaroon sila ng slot.

Mukhang mapapagod ang Megastar at Asia’s Songbird, pero palagi naman nilang sinasabi na happy sila na nakakapag-perform para sa kanilang mga fan.

Happy rin sila na after ng two-night Iconic nila sa Araneta Coliseum noong October 18 and 19 ay sa Amerika at Canada naman sila magsu-show.

Nice!

Say sa social media na ang career

Ateng Salve, in fairness sa Pinoy Big Brother alumna na si Say Alonzo, kahit wala siyang regular TV show, ang bili naman niya sa social media.

Dahil nga roon ay napakarami niyang events na iniho-host.

Ang maganda pa, nagagawa niyang isama ang mga anak niyang sina Asher (na inaanak ko) at Austin (wala pang isang taon).

Sabi ni Say, ok naman kung magkakaroon siya ng regular TV show, pero sa ngayon, nae-enjoy raw muna niya ang pagiging nanay sa dalawang anak.

 “Masaya lang BFF (tawagan namin) dahil palagi ko silang kasama at nakikita ko ‘yung paglaki nila,” sey ni Say.

Actually, maraming mga artista like Say na mas active pa ngayon sa pagpo-promote ng products sa kanilang social media accounts.

May mga kilala nga ako na isang posting lang ay bongga na ang talent fee at parang nag-taping na rin sila ng ilang araw, huh!

‘Yun na!

Show comments