Sen. Bong
Matapos batikusin si Sen. Bong video scandal ni Jim nabuhay!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

Heto na naman si Jim Paredes at nag-iingay na naman matapos ang kanyang viral video scandal few months ago. May bago siyang tweet last Sunday at binabanatan niya si Sen. Bong Revilla.

Binatikos ni Jim ang Senador pati na ang GMA 7 sa pagbibigay ng bagong show sa aktor/politiko.

“Sen. Bong Revilla returns in GMA Network with drama-fantasy show for kids,” ang bungad ng tweet ni Jim.

“PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” dagdag pa ng dating miyembro ng APO Hiking Society.

Kaya naman to the rescue ang veteran colum­nist/talent manager na si Lolit Solis kay Sen. Bong na as we all know ay malapit niyang kaibigan.

Sa Instagram post kahapon ni Nay Lolit, binatikos niya rin ang singer/composer sa pagtarget kay Sen. Bong.

“Naku ha Salve mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman.

“Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa sex video na lumabas. Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli.

“Iyon bill ni Sen Bong Revilla na mas maagang ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito?

“Eh kung buweltahan naman siya na sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?” ang bahagi ng post ni Nay Lolit.

Ni-recall din ng veteran columnist at talent manager na tinawag siyang demented woman ni Jim pero sa kabila nito ay hindi naman siya nagtanim ng galit dito.

“Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman nang mangyari ang scam, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang-unawa at ng bukas puso na patawad,” pahayag pa ni Nay Lolit.

Sa huli ay pinangaralan niya si Jim na huwag daw masyadong political at fault finder.

“Sana after the scandal, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes. After all, kung nakagawa ka ng mali, dapat makita mo rin na walang perfect at kung tinanggap ka uli ng tao dapat ganun ka rin mag-welcome sa iba.

“Huwag masyadong political at fault finder Jim Paredes. Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon sex video scandal. Maging aral iyon sa iyo,” pagtatapos ni Nay Lolit.

Well, agree naman kami sa mga pahayag ni Nay Lolit. Sen. Bong was cleared of the charges and was found not guilty sa kasong plunder na isinampa sa kanya. Na kahit nga wala siyang kasalanan ay pinagdusahan pa rin niya sa kulungan ng 4 na taon.

Ibinoto na nga siya ng tao ulit bilang Senador which means marami ang naniniwala talaga na wala siyang kasalanan. So, bakit naman hindi pwedeng maging role model ng kabataan ang taong nakulong at napatuna­yang walang kasalanan?

Huwag sanang masyadong judgmental kasi!

Samantala, balitang ang comeback show ni Sen. Bong sa GMA-7 ay isang weekly drama-fantasy anthology na magbibigay ng moral lesson sa mga bata.

Huling napanood ang Senador sa Kaps Amazing Stories sa Kapuso network din.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with