Abandoned, Buybust at Ulan sa KBO99 promo extension

Nadine Lustre

MANILA, Philippines — Kabilang ang Abandoned nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin, Ulan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino at Buybust ni Anne Curtis sa mga pelikulang magdadala ng masayang mga panonood ng pamilya tuwing weekend ngayong Nobyembre sa paghahatid ng KBO ng KBO99 promo extension.

Sa one-time payment na P99 imbes na P120, mapapanood ng buong pamilya ang walong pelikula sa limang araw bawa’t linggo.

Darating ang iWant original na Abandoned na tungkol sa pagsubok na hinarap ni Simone (Beauty Gonzales) bilang isang bodyguard para mapalaki ang anak (Seth Fedelin). Matapos mamatay ang kapwa bodyguard, matatagpuan naman niya ang sarili sa isang lugar na inabandona. Panoorin ito mula Nobyembre 8 hanggang 13.

Sundan ang Buy Bust, ang action movie na dinala ang manonood sa isang buy-bust operation na pinagunahan ng rookie police officer na si Nina (Anne) at ni Rico (Brandon Vera) kasama ang anti-narcotics squad sa mapanganib na bahagi ng Manila ay mapapanood din mula Nobyembre 15 hanggang 20. Panoorin ang dalawa kung paano subukang supilin ang drug syndicate na nasa control ng big-time drug lord na si Biggie Chen (Arjo Atayde).

Samahan naman si Nadine sa Ulan na bibida bilang Maya, isang babaeng nangakong hindi na muling iibig matapos ang sunud-sunod na heartbreak. Mabago kaya ni Peter (Carlo Aquino) ang pangako ni Maya sa sarili? Panoorin mula Nobyembre 29 hanggang December 4.

Para maka-avail ng promo na ito, mag-register gamit ang anumang prepaid or postpaid SIM at magtext ng KBO99 sa 2366.

Show comments