Alden may chance makita ang pinapantasyang K-Pop
Parang may chance na si Alden Richards na ma-meet in person ang super crush niyang Blackpink member na si Lisa.
Kinuhang endorser ng isang local brand clothing line ang K-pop star at hindi impossible na bumisita siya ng Manila para sa nasabing endorsement.
Very open si Alden sa admiration niya sa Korean singer.
Kathryn uunahin muna ang beteranong aktor bago si Daniel
Isang veteran actor daw muna ang makakatambal sa pelikula ni Kathryn Bernardo bago ang reunion movie nila ni Daniel Padilla.
Pero bawal pa raw banggitin kung sino ang nasabing veteran actor. Basta kakaiba raw ito.
Mauuna rin daw kasi munang gawin ni Daniel ang movie with Sarah Geronimo.
Pamilya ni Ruru galit kay Bianca
Makatulong kaya sa pelikulang Cara X Jagger ang issue kina Ruru Madrid at GF niya for more than a year na si Bianca Umali?
After the premiere night nga ng nasabing pelikula naganap ang mala-eksena sa pelikulang arguments ng mag-dyowa.
Nanood daw kasi si Bianca at hindi na tinapos ang pelikula.
Pero hinintay nito sa kotse ang pagbaba ni Ruru kasama sila Jasmine Curtis Smith.
Nag-congratulate pa raw ang Kapuso actress kina Jasmine at director nitong si Ice Idanan nang lapitan nito ang kotse ng aktor pero sarcastic daw ang pagkakasabi nito kaya kinausap ni Ruru at doon na nag-umpisa ang gulo.
Galit ang malalapit kay Ruru dahil sa ginawa ni Bianca.
Una raw ay hindi naman ito invited sa premiere night at never namang umeksena si Ruru pag may pelikula si Bianca na kasama ang loveteam niyang si Miguel Tanfelix.
Mangiyak-ngiyak daw ang tatay ni Ruru dahil naging mabait naman sila sa actress pag natutulog ito sa bahay nila Ruru.
- Latest