^

Pang Movies

Jasmine at Ruru parang magdyowa ‘pag nag po-promote

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jasmine at Ruru parang magdyowa �pag nag po-promote
Jasmine, Ruru

Opening day na ngayon ng romantic-drama mainstream movie nina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid, ang Cara X Jagger. 

Kapag nasundan ninyo ang pagpu-promote ng dalawang lead star ng kanilang movie na dinirek ni Ice Idanan, hindi mo iisipin na wala silang relasyon dahil very sweet nila, very clingy sila sa isa’t isa. Pinu-portray daw lamang nila kung gaano ka-love nina Cara at Jagger ang isa’t isa hanggang sa nagkahiwalay sila. At aabangan kung muling babalik ang pag-iibigan nila. 

Produced by APT Entertainment at Cignal Entertainment, ang movie ay binigyan ng PG rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at Graded B naman ng Cinema Evaluation Board (CEB) at showing na in cinemas nationwide.

Bubble Gang pang-millennials ang ginawa sa anniversary

Ang saya ng mediacon ng comedy sitcom na Bubble Gang. Taping day nila ang Monday, kaya naman minabuting isabay ang mediacon para sa kanilang 2-part 24th anniversary presentation. 

Sa pangunguna ni Michael V., hindi pa kumpleto ang buong cast na dumalo dahil iyong iba ay nagti-take pa ng eksena nila.

The ScAvengers ang title ng kanilang episode, na spoof ng special movie franchise na The Aven­gers. Sa trailer pa lamang hahangaan mo na ang big production na ito.

“Sa totoo lang, medyo baliw at ambisyoso ang project naming ito,” sabi ni Bitoy. “Gusto lamang namin laro ang ipakikita namin sa televiewers, pero larong magugustuhan nila dahil may quality. Visual treat namin ito sa patuloy na sumusubaybay sa amin. First time itong ginawa sa television.

“Matagal na naming gustong gumawa ng spoof ng isang superhero movie, dahil nga millennials na ang karamihan sa viewers namin. Kaya ang naisip naming gawin spoof ng The Avengers at pinangalanan naming The ScAvengers.

Ang story nito ay tungkol sa isang outcast group of homeless people na nangangalakal para sila mabuhay. May mga extraordinary scraps silang napulot na hindi nila alam ay nagtataglay ng superpowers na nagta-transform them from outcasts to their barangay’s greatest superheroes na tinawag nilang The ScAvengers.

Mula sa creative heads nina Chito Francisco at Caesar Cosme, directed by Bert de Leon at special guest director si Rico Gutierrez na sabi ni Direk Bert ay siya raw nagdirek ng mga actions scene. 

Ang first part ay mapapanood sa November 15 at and second part ay sa November 22. May special guest performer sila ang Hawaiian-Pinoy born actor na si Jacob Batalon.

Jessy feel na feel na ang pagiging anak ni Ate Vi

Member na talaga ng Recto-Santos family si Jessy Mendiola, ang girlfriend ni Luis Manzano, dahil noong birthday ni Congresswoman Vilma Santos-Recto, kasama si Jessy ng family sa Taiwan, kung saan sila nag-celebrate. At doon nga binati ni Jessy si Cong. Vi.

Kasama rin sina Senator Ralph Recto at anak nilang si Ryan Christian, at ilang members ng family and friends ng birthday celebrant.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with