^

Pang Movies

Angel dapat tularan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Angel dapat tularan!
Angel

Hindi si Angel Locsin ang klase ng artista na tumutulong dahil gusto niya ng publicity.

Tahimik at walang fanfare ang pagtulong ni Angel sa mga nangangailangan.

Hindi na mabubura sa utak ko ang pagtulong niya sa pumanaw na make up artist na si George Bantolino at sa showbiz writer na si Emy Abuan kaya nga kahit ano ang intriga na may attitude o kung minsan may sumpong si Angel, ayokong maniwala.

At kung sakali man totoo, siguro mapapatawad na ‘yon dahil sa dami ng mga magaganda na ginagawa niya para sa ibang mga tao.

Kapag may bagyo, baha o anumang disgrasya, nauuna si Angel sa pagtulong na tunay at bukal sa puso niya.

Really amazing ang pagpunta niya nang personal sa Davao, pagbili ng relief goods, lalo na ang bigas at tubig  na ibinigay niya sa Red Cross para ito ang mag-distribute sa mga biktima ng lindol. Bongga ka Angel, tunay na anghel sa lupa. Salute.

Kung pagtulong ang pag-uusapan, sana maging kasing-generous ni Angel ang mga kapwa niya artista.

Naiisip ko rin, ano kaya feeling ng celebrities na flaunting their expensive bags, shoes, dress, and enjoying their parties pero  hindi man lang nagbigay pansin sa mga tao na kapus-palad, nagugutom at  halos mawalan na ng pag-asa sa buhay?

Sa bagay, hindi naman obligasyon ang pagtulong dahil kusa ito na ibinibigay tulad din ng regalo.

Nagbibigay tayo ng gift sa mga tao na ating gusto, isang bagay na karapatan natin at hindi puwedeng ipilit.

Our conscience plays a big part here, ang sympathy na dapat natin na ibigay at madama sa mga panahong pagsubok at pangangailangan.

Marami rin siguro ang mga artista na tahimik na tumutulong na hindi nalalaman ng publiko.

Tahimik sila na nagbibigay at ito ang mas commendable, ang tunay na essence ng pagtulong, the quiet Angels around us, giving a helping hand.

Precious gems mahirap mahanap!

Bukod sa mga artista na generous sa pagtulong, may mga nagtatanong din sa akin kung paano makikita ang sincerity ng isang tao.

Paano malalaman na pakitang-tao lang ang bait na ipinapakita?

Sa tagal ko sa showbiz, dahil matanda na ako at marami nang mga tao na nakilala at nakasalamuha, masasabi ko na alam ko na kung sino ang  totoo at ang bait-baitan school of acting lang.

Importante na tanggap natin na naging malapit lang sa atin ang ibang mga tao dahil sa premium mo as a person at pagdating ng oras na wala na ang premium na ‘yon, puwede nang mawala sila sa ating tabi.

Like siyempre alam ko rin na dahil si Lolit Solis ako, manager, may TV show dati, showbiz writer at close sa ilang influential na tao, marami rin na gusto na maging malapit sa akin.

Pero alam ko rin na pag nawala ang mga bagay na ginagawa ko, maaaring mabawasan din ang mga rich Asians friends ko na hindi ko dapat ipagtampo dahil ganoon talaga ang buhay, you are only good as your last article or your last project.

Kapag wala na ang mga bagay na pakikinabangan sa’yo, wala na rin ang ilang fair weather friends at ang mga bait-baitan school of acting lang.

Fair lang ‘yon kung nandiyan lang sila habang nasa itaas ka, tanggapin mo na ito talaga ang buhay.

Suwerte na kapag meron o wala ka, nandiyan pa rin sa tabi mo ang true and real friends. Your precious gems.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with